Vince

Vince, mamanipulahin ni Micaella sa ‘Boso Dos’

January 29, 2023 Ian F. Fariñas 622 views

Pasukin ang mundo ng mga sindikato ng droga at silipin kung paano sila guluhin at paglaruan ng tadhana, panoorin na ang pinakabagong sexy-thriller action movie ng Vivamax, ang Boso Dos, streaming exclusively simula sa February 3.

Isang grupo ng mga secret agent ang matagal nang nagmamasid sa isang apartment na naging drug den at binabantayan ang bawat kilos ng pinaghihinalaan nilang drug trafficker na si Badong (Vince Rillon).

Isa sa mga agent na naatasang magbantay ng mga surveillance footage ay si Mario (Gold Aceron), isang binatang mahilig kumuha ng litrato gamit ang kanyang DSLR camera.

Nawiwili si Mario sa trabaho at sa pagbabantay sa bawat kilos ng mga drug syndicate mula sa mga footage dahil binubuhay nito ang kanyang mga sexual fantasy.

Mayroon siyang nobya, si Stephanie (Chloe Jenna) na nagtatrabaho sa isang call center.

Sasali rin bilang bagong recruit ng grupo ang dalagang si Ara (Micaella Raz). Dahil maganda at malakas ang dating, lahat ng agent, pati na si Mario, ay magkakagusto at magiging pantasya si Ara.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang grupo para mapasok ang drug den, si Ara ang naging asset nila at inatasang kunin ang loob ni Badong para makasagap ng impormasyon at makuha lahat ng kailangan nila para maaresto ito at ang iba pang miyembro ng sindikato ng droga.

Sa paglipas ng mga araw, mas mapapalapit sina Ara at Badong sa isa’t isa at tuluyan nang magkakaroon ng pagkakataon si Ara para manipulahin at kunin ang loob ng binata dahil nahuhulog na ito kanya.

Dito na magsisimulang mabahala si Mario dahil maging siya ay nahulog na rin ang loob kay Ara matapos nilang magsama at magkaroon ng sexual encounter.

Samantala, hindi rin alam ni Badong na pati ang mga kasamahan niya na miyembro ng sindikato ng droga ay minamanipula na rin siya at pinagtataguan ng sikreto, dahil ang sidekick niyang si Enteng (Alvaro Oteyza) ay matagal nang may lihim na relasyon sa girlfriend niyang si Georgia (Amor Lapus).

Magtagumpay kaya ang team nina Mario at Ara sa pagtugis sa mga sindikato ng droga ng hindi nabibisto ni Badong? Makita na rin kaya ni Badong na lahat ng tao nasa paligid niya ay hindi dapat pagkatiwalaan?

Isang pelikula mula sa Gawad Urian-nominated director na si Jon Red, director din ng 2022 Vivamax movie na Adarna Gang, bibida sa Boso Dos ang Vivamax actors na sina Gold, Micaella at Vince kasama sina Yen, Alvaro at Chloe.

May special participation sa pelikula ang ilan sa mga award-winning at kilalang aktor na sina Joel Torre, Ronnie Lazaro, Katya Santos at Epy Quizon.

Mula sa Viva Films, maging mapagmasid, maging alerto at higit sa lahat, huwag magtiwala sa kahit sino.

Mapapanood na ang Boso Dos sa Vivamax simula February 3.

AUTHOR PROFILE