Tubero

Vince at Angela, tataya sa isa’t isa sa ‘Tubero’

October 1, 2022 Ian F. Fariñas 1286 views

Kaya mo bang tiisin at pagdaanan ang lahat para sa pag-ibig?

Ang Vivamax Original Movie na Tubero ay isang sexy-romance sa direksyon ni Topel Lee na pinagbibidahan nina Angela Morena, Vince Rillon at JC Tan.

Ito ay kwento ng pag-ibig, loyalty, passion, sex at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano man ang pagdaanan.

Mapapanood ang Tubero sa October 21 exclusively sa Vivamax.

Ang pelikula ay kwento nina Paula (Angela) at Logan (JC) at kung paanong susubukin ang kanilang relasyon dahil hindi maibigay ni Paula ang sexual satisfaction kay Logan.

Kahit na likas na mahinhin at conservative si Paula, makikipag-deal siya kay Logan at bibigyan ng ultimatum na magsasalba o magiging katapusan ng kanilang relasyon.

Para hindi iwanan ni Logan, magiging determinado si Paula na ibigay ang gusto nito. Hihingi siya ng tulong kay Gimo, isang tubero na may extra service at nagbibigay-aliw sa mga nagiging client nito.

May mangyayari sa kanilang dalawa na magbibigay ng sexual awakening kay Paula. Pero ang dapat sana’y isang beses lang na pangyayari at inaasahan ni Paula na makakatulong sa pagsasama nila ni Logan ay magiging daan pala para mas lumalim at mas uminit ang relasyon nila ni Gimo.

Ituloy pa rin kaya niya ang planong ayusin ang meron sila ni Logan? O magbago ang isip niya at mas piliin na makasama si Gimo?

Mula sa Viva Films, bida sa Tubero si Angela, na napanood sa Vivamax Original movies na Ex-Deal 2 at 5-in-1 at sa Vivamax Series na Iskandalo at High (School) on Sex.

Ito ang una nilang pagsasama ni Vince, na nakilala sa mapangahas na pagganap sa Pusoy, Kaliwaan at Virgin Forest, maging sa L Series.

Ito naman ang unang Vivamax movie ng new Viva hunk na si JC.

AUTHOR PROFILE