Vina

Vina balik-GMA, naghihintay ng bagong pag-ibig

January 20, 2025 Aster Amoyo 123 views

Vina1AFTER almost three decades with ABS-CBN, balik-GMA ang singer-actress and entrepreneur na si Vina Morales na nakatakdang simulan ang kanyang comeback at kauna-unahang TV series, ang “Cruz vs Cruz” na tatampukan nila ni Gladys Reyes at kung saan din kasama sa cast sina Neil Ryan Sese, Pancho Magno, Lexi Gonzales, Kristoffer Martin, Elijah Alejo, Capris Cayetano at iba pa.

Magkahalong nerbiyos at excitement ang naramdaman ni Vina nang muli siyang tumuntong sa bakuran ng GMA back in 1987 to 1996 nang siya’y maging bahagi ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” hosted by the late star-builder and Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, ang programang pinagmulan ng maraming stars and talents na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz katulad niya.

Ang last TV series na ginawa ni Vina sa bakuran ng ABS-CBN ay ang “Marry Me, Marry You” na pinangunahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino nung 2021 to 2022.

Ngayong bumalik na si Vina sa bakuran ng GMA, hindi malayong maging bahagi rin siya ng Sunday musical show ng Kapuso network, ang “All Out Sundays”.

Although hindi isinasara ni Vina ang kanyang puso para umibig muli, naniniwala siya na may isang taong nakalaan para sa kanya na hindi pa umano dumarating sa kanyang buhay.

Bukod sa magandang takbo ng kanyang career, Vina is a single mom to her 14-year-old daughter na si Ceana Lee na mukhang may leaning ding mag-showbiz balang araw although studies ang priority nito sa ngayon.

Panganay sa apat na magkakapatid na pawang babae, bunso niyang kapatid ang singer-actress na si Shaina Magdayao na matagal ding na-link sa Kapamilya hunk and heartthrob na si Piolo Pascual.

Anak ni Jean ilulunsad bilang boy band member

JeanSINGER-actress Jean Garcia is a young grandmother of two dahil meron nang dalawang anak na babae ang kanyang panganay na si Jennica Garcia sa dati nitong mister na si Alwyn Uytingco na sina Athena Mori and Alexis Serverina na parehong nasa poder ng kanilang ina.

Si Jennica ay anak ni Jean sa dating kasamahan sa “That’s Entertainment” na si Jigo Garcia. Ang nakababatang kapatid ni Jennica na si Kotaro Shimizu ay anak ni Jean sa isang Japanese national.

Kung si Jennica ay mas aktibo bilang Kapamilya actress, si Kotaro naman ay abala sa pagti-training sa isang boyband na malapit nang i-launch.

Ayaw magbigay ng clue ang mag-inang Jean at Kotaro kung anong pangalan ng grupo dahil bawal pa umano pero ang hula naman ay isa itong boyband ng young Pinoy members na nagti-training ngayon sa South Korea.

Matagal na umanong pangarap ni Kotaro na magiging miyembro ng isang boyband dahil gusto niyang mag-perform – singing, dancing at pagiging rapper.

Although hindi isinasara ni Kotaro ang posibilidad na pasukin din ang acting balang araw, hindi umano ito ang kanyang priority sa ngayon kundi gusto niyang mag-perform at suportado naman siya ng kanyang inang si Jean Garcia at nakatatandang kapatid na si Jennica Garcia.

Singing contests halos magkatapat

KimPicALAS-11 ng umaga ang timeslot ng “TiktoClock” daily show hosted by Pokwang, Kuya Kim Atienza, Faith Da Silva, Herlene Budol at Jaison Gainz.

Simula kahapon, January 20 (Monday) ng 11 a.m. ay nagsimula ang segment ng “TiktoClock” na “Tanghalan sa Kampeon” na mauuna pang mapanood kesa sa segment ng “It’s Showtime,” ang “Tawag ng Tanghalan” na meron nang strong following.

Tulad ng TNT, ang “Tanghalan sa Kampeon” ay tagisan din ng husay at talino sa pag-awit. Ang mga tatayong hurado sa TSK ay sina Renz `Remember Me’ Verano, Daryl Ong at Jessica Villarubin.

Hindi kaya dagsain ang “Tanghalan sa Kampeon” ng mga contestants na nanggaling na sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” na parehong napapanood on GMA?

Book launching ni Ka Tunying dinagsa ng mga kilalang tao

TabernaTaberna1ISANG coffee table book ang ni-launch last Thursday, January 16, 2025 na pinamagatang “TAPATAN” na isinabay din sa 50th birthday celebration ni Anthony `Ka Tunying’ Taberna, isang kilalang radio and broadcast journalist, commentator, entrepreneur and YouTuber. Ito’y ginanap sa ballroom ng Solaire Resort- North in Quezon city at dinaluhan ng mga kilalang personalidad laluna sa larangan ng pulitika.

Special guest of honor sa book launching si First Lady (Atty). Liza Araneta-Marcos na isa sa mga personalidad na malapit kay Ka Tunying. Namataan din namin sa nasabing engrandeng okasyon ang “Star for All Seasons,” ang award-wining actress at politician na si Vilma Santos, actors-senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla, Jr., Education Secretary Sunny Angara, Sen. Alan Peter Cayetano with wife Taguig Mayor Lani Cayetano, former Sen. Panfilo Lacson, mga kilalang businessmen at marami pang iba.

During the program ay nagkaroon ng Fast Talk segment ang King of Talk na si Boy Abunda with Ka Tunying habang kasama sa mga special guest performers ang Concert King na si Martin Nievera. Naroon din ang singer-actress-host at YouTuber na si Toni Gonzaga.

Ayon kay Ka Tunying, ang proceeds ng kanyang libro ay mapupunta sa isang organisasyon na tumutulong sa mga maysakit ng leukemia. Kung matatandaan pa, ang panganay na anak nina Ka Tunying at wife nitong si Rossel Velasco-Taberna na si Zoey Taberna ay halos dalawang taong nakipaglaban sa sakit na leukemia who miraculously survived. Isa na siya ngayong leukemia-free.

Bukod sa pagiging isang matagumpay na radio and TV broadcaster at host, si Ka Tunying ay isa ring matagumpay na negosyante sa tulong ng kanyang wife na si Rossel na meron ding pinatatakbong production company, ang Outbox Media Productions na siyang namahala ng engrandeng book launching and birthday celebrations ni Ka Tunying.

Ang mag-asawang Ka Tunying at Rossel ay may dalawang anak na pareho nang tinedyer, sina Zoel at Helga.

Mister ni Rufa Mae sinabing wala na silang pag-asang magkabalikan

RufaSA kabila ng mga pinagdadaanang pagsubok ngayon sa kanyang personal na buhay ng singer-actress at comedienne na si Rufa Mae Quinto, nananatiling positibo ang pananaw nito.

Naniniwala si Rufa Mae na isa sa mga araw na ito ay malilinis din ang kanyang pangalan sa scam na kanyang kinasangkutan na kagagawan ng isang skin care clinic kung saan kinuha siyang endorser

It’s also out in the bag na nasa proseso na umano ang divorce nila ng kanyang asawang si Trevor Magallanes na agad namang klinaro ng singer-actress na wala sa kanila ng kanyang mister ang nag-file ng divorce.

Hindi lamang natin alam kung aware si Rufa Mae na ang kanyang mister mismo ang nag-announce nito sa kanyang Instagram account at sinabi pa nitong malabo na umano silang magkabalikan pa ng kanyang (dating) misis.

Ang (dating) mag-asawa ay may 7-year-old daughter na si Athena na very close sa kanyang ama.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE