Senatorial

Villar tops latest senatorial RPMD survey

December 16, 2021 People's Tonight 255 views

NANGUNGUNA si dating Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar sa pre-election senatorial survey ng RP-Mission and Development Foundation (RPMD), na may 55.7% voter preference.

Ang poll ay isinagawa mula Nobyembre 16-24, gamit ang face-to-face interviews sa 10,000 respondents sa buong bansa.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa resulta ng RPMD survey. Malaking bagay po sa atin ang suporta at tiwala ng mga Pilipino.” Sabi ni Villar

Sinundan ni Villar sina Antique Representative Loren Legarda (53.5%), broadcaster Raffy Tulfo (52.9%), President Rodrigo Roa Duterte (52.4%), Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero (51.6%), dating House Speaker Alan Cayetano (47.2% ), Sen. Win Gatchalian (42.6%), Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri (38.8%), Sen. Richard “Dick” Gordon (36.3%), Sen. Joel Villanueva (35.1%), Sen. Risa Hontiveros ( 32.5%), at dating Senador Jinggoy Estrada (30.3%).

Nangunguna rin si Secretary Villar sa piniling senatorial candidate survey ng RPMD noong nakaraang buwan, na isinagawa mula Oktubre 17 hanggang 27.

“Salamat po sa mga naniniwala sa atin. Asahan niyo na itutuloy natin ang Build, Build, Build program at ang pagbibigay ng trabaho sa bawat Pilipino.” Dagdag ni Villar

Si DPWH Secretary Mark Villar ay inendorso rin ni Mayor Inday Sara Duterte bilang bahagi ng kanyang senatorial slate para sa 2022 elections nitong nakaraang linggo.

Ang survey na ito ay isinagawa gamit ang face-to-face interviews sa 10,000 respondents sa buong bansa. Mayroon itong margin ng error sa sampling na +/-1% para sa pambansang porsyento.

AUTHOR PROFILE