Joel Villanueva

Villanueva takbong senador sa 2022 eleksyon

October 3, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 199 views

NAGPAHAYAG na si Senador Joel “Tesdaman” Villanueva ng kanyang pagnanais na muling tumakbong senador para sa 2022 senatorial election.

Inihayag ito ni re-electionist Senator Villanueva sa kanyang pagdalo sa launching ng Tulong Trabaho Scholarship Program.

Na kung saan dinaluhan ang naturang programa at mapapakinabangan ng tinatayang 40,000 o higit pa para sa taong ito na pawang malaki ang maitutulong upang muling makabangon ang ating ekonomiya.

Sinabi ni Villanueva na tulad ng mga sundalong sinasanay ng ating pamahalaan bilang paghahanda sa giyera, kailangan din nating ihanda ang ating mga manggagawa upang maging tuloy-tuloy ang pag-ahon at pagganda ng takbo ng ating ekonomiya.

Layon ng re-electionist na si Villanueva na muling mahalal upang makalikha pa ng mga karagdang batas na magbibigay ng proteksyon sa ating mga manggagawa.

Nais din ni Villanueva na isulong ang paglikha ng trabaho, pagbibigay ng sapat na edukasyon para sa bawat mamamayan, sapat at tamang serbisyo sa lahat ng mamamayan, dignidad ng bawat isa at pag-asenso ng bawat Pilipino.

Nahalal si Villanueva noong 2016 bilang senador matapos na pumangalawa sa mga nanalong senador at nakakuha ng botong 18,459,222 ngunit bago pa man maihalal nanungkulan si Villanueva bilang Director General ng TESDA mula 2010 hanggang 2015.

At matapos na maihalal, ilan sa mga panukalang batas ni Villanueva na naging isang ganap ng batas at siya rin ang pangunahing may-akda ang: Doktor para sa Bayan; Work from Home law;

Tulong Trabaho law; Job Safety and Health Standards; at First-time Jobseekers Assistance Act.

Sa kasalukuyan, mayroong 500 panukalang batas ang naihain ni Villanueva simula ng umupong senador at 82 dito pawang naging ganap ng batas.

At dalawa din dito ang malapit nang maging batas at ito ang Magna Carta of Filipino Seafarers at Department of Migrant Workers and Overseas Filipino na inaasahang maipapasa ng kongreso bago matapos ang taon.

Si Villanueva din ang pinakabatang nahalal na mambabatas noong 2002 bilang kinatawan ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) .

At bukod sa kanyang hilig sa larong basketball, dalawang beses din siyang naging kinatawan ng ating bansa sa naturang paligsahan.

AUTHOR PROFILE