Videographer huli sa tangkang ‘irecord’ sa cp paliligo ng ka-live in

April 24, 2022 Melnie Ragasa-limena 119 views

ARESTADO ang 31-anyos na videographer nang madiskubre ng kaniyang kasamahang babae na irerekord sana ng una sa pamamagitan ng iniwanang cellphone nito ang kaniyang pagligo sa banyo ng Lung Center of the Philippines sa Quezon City noong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay isang 24 anyos na clinic receptionist, at residente ng Brgy Batasan Hills, Quezon City

Agad namang naaresto ang suspek na si Michael Kim Sarmiento, 31, binata, freelance videographer, tubong Davao City at nakatira sa No. 35 Langka St., Project 2, Brgy. Quirino 2B, QC.

Sa report ng Kamuning Police Sation (PS 10) ng Quezon City police District (QCPD), bandang 6p.m. (April 22) nang maganap ang insidente sa common comfort room sa loob ng Ward No. 3223, 3rd Floor ng Lung Center hospital sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl Maryjoy Y Mario ng PS 10, ang biktima at ang suspek ay parehong patient-watchers sa nasabing ospital.

Papasok umano ang biktima sa banyo upang maligo nang mabangga niya ang suspek na noon ay papalabas naman ng banyo.

Matapos ay pumasok na ang biktima sa banyo at hinubad ang lahat ng kaniyang kasuotan nang mapansin niya na may nakalagay na cellphone sa ibabaw ng ceiling fan.

Kinuha ng biktima ang cellphone at doon ay nadiksubre niyang pag-aari ito ng suspek.

Dahil dito ay kinompronta ng biktima ang suspek subalit sinabi lamang nito na… “JESS SORRY JESS, AKIN NA YUNG PHONE KO”.

Agad na nagpasakolo ang biktima sa duty nurse na tumawag ng security officers at ipinaaresto sa mga awtoridad ang suspek.

Inihanda na ang kasong paglabag sa RA 9995 at Unjust Vexation laban sa nasabing videographer.