Vice

Vice, sinurpresa ang Beks Battalion

May 16, 2023 Vinia Vivar 332 views

Beks1Naging emosyonal ang Beks Battalion nang makita sa audience si Vice Ganda sa red-carpet premiere night ng pelikula nilang Beks Days of Our Lives last Monday night.

Ang Beks Battalion ay kinabibilangan ng mga komedyanteng sina Chad Kinis, MC Muah at Lassy Marquez. Ginanap ang premiere night sa SM Megamall.

Dumating si Vice Ganda sa event bilang suporta sa kanyang tatlong kaibigan. Bukod sa pagiging bida, directorial debut din ni Chad ang nasabing pelikula.

Walang kamalay-malay ang Beks Battalion na dumating si Vice Ganda at nakaupo na sa sinehan. Nang pumasok sila at magbigay ng speech sa harap ay pinasalamatan nila ang lahat ng sumuporta tulad nina Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome, Kaladkaren, gayundin ang mga boss ng Viva Vilms at kung hindi pa nga sinabi ng press na naroroon din ang Unkabogable Star ay hindi talaga nila alam.

Nang sabihin sa kanila ng press na naroon si Vice ay gulat na gulat sila.

“Si Vice? Totoo ba?” ang sabi nila na tila hindi makapaniwala.

Tumingin sila sa kinaroroonan ni Vice at nang makumpirma nilang narooon nga ay tuwang-tuwa sila at napaiyak na sa labis na kaligayan.

“Meme!” ang tawag nila kay Vice na noong time na ‘yun ay iniinterbyu naman ng media.

Nagsimula nang maging emosyonal sina MC and Lassy at isa-isa silang nagpasalamat  kay Vice.

Sey ni Chad, “Hindi namin inaasahan. Of course, Meme, maraming salamat sa suporta.”

Samantala, punumpuno ng katatawanan ang pelikula at nagamit talaga ng tatlo ang kanilang talent sa pagpapatawa.

May kanya-kanya rin silang dramatic highlights sa pelikula and we’d say mula simula hanggang katapusan ay talagang equal ang kanilang exposure.

Showing na ngayong May 17 sa mga sinehan ang Beks Days of Our Lives.

AUTHOR PROFILE