Default Thumbnail

‘Vice President Sonny Angara’

November 17, 2021 Allan L. Encarnacion 311 views

Allan EncarnacionMAY personal na sana akong kandidato sa 2022 sa pagka-Pangulo or pagka-pangalawang Pangulo, ang problema lang, hindi tumakbo!

Kapag tinatanong ako kahit saan ako magpunta kung sino ang aking kandidato, ginagaya ko lang sagot ng mga bata ngayon pag inuutsan, sabi ko: wait lang!

Naghihintay akong matapos ang Nov 15 deadline para sa withdrawal at substitution ng kandidato pero hindi ko nakita ang kanyang anino sa Comelec.

Ang aking tinutukoy ay si Senate Finance Committee Chairman, Senator Sonny Angara. Bago pa nagkalabu-labu ang mga kandidato, si Sen Sonny ang balita nating magiging vice president ni Mayor Sora Duterte kung tumakbo itong Presidente.

May mga Malacanang at Davao sources tayo na nagkukumpirmang si Angara ang top choice na maging ka-tandem ni Inday.

May mga pangyayari sa Davao na naging dahilan ng pagbabago ng senaryo sa pulitika. Pero water under the bridge naman na lahat kaya lang natin isinusulat ito dahil sa matinding panghihinayang ko sa naunsiyaming Sara-Sonny for Alll tandem sana.

Sa isang banda, bata pa naman si Angara at bata pa rin naman si Sara.

Nitong isang araw, pinanood ko ang interview ni Karen Davila sa ANC kay Sen Sonny tungkol sa pasikut-sikot ng proposed 2022 budget. Doon ay lutang na lutang ang brilliance ni Sonny sa usapin ng paghimay ng budget.

Ramdam na ramdam mo kung paano gustong isinop ni Sonny ang paggamit ng ating pondo magmula sentimo hanggang bilyon. Lahat ng itanong sa kanya ni Karen tungkol sa budget cut, proposed budget ng mga departamento, alam idepensa at alam ipaliwanag ni Sonny.

Nang marinig ko ang mga paliwanag ni Angara, mamahangha ka rin kung paano niya hinihimay ang ating pambansang pondo. Nababanggit sa akin ng mga staff ni Sen. Sonny na kapag ganitong budget season, halos hindi natutulog si Angara at ang kanyang team para pag-aralan ang lahat ng proposed budget ng mga departamento.

May sariling “lockdown” version si Sen Sonny kapag pala pinag-aaralan ang mga panukalang pondo ng bawat departamento.

Hindi ako nagtataka kung bakit isa si Angara sa gustong maging vice president ng ibang kandidato kasi alam nilang asset siya ng bansa sa maraming aspeto ng governance.

Kunsabagay, sa edad na 42, batang-bata pa si Angara kaya tama lamang na hindi rin siya nasabak sa 2022 election for vice president. Kasama si Angara sa “endangered species” na kailangan nating ingatan para may magisnan pa tayong matinong lider sa mga darating na dekada.

Senador pa rin naman si Sonny hanggang 2025 kaya tama rin na hindi siya magmadali. Pero man to watch ang mamang ito na tingin ko ay uukit ng bagong kabanata sa ating bansa sa mga darating na dekada.

[email protected]