
Vice nagbabala: Scammers gumagamit ng luma niyang videos para makapanloko
Nag-react si Vice Ganda hinggil sa bagong modus ngayon sa social media na ginagamit ng scammers ang kanyang mga lumang video para makapanloko ng mga tao.
Sa kanyang official Facebook page ay binigyan ng babala ng TV host/comedian ang publiko na huwag magpaloko.
“May mga gumagamit ng lumang live videos ko at nagpapanggap na ako para makapang-scam! HUWAG PO KAYONG PALOKO!” simulang pahayag ni Vice.
“Tanging verified accounts ko lamang po ang opisyal at tunay na ginagamit ko,” paglilinaw niya.
“Kung may kahina-hinalang activity mula sa non-verified accounts na ginagamit ang aking pangalan, i-report agad! Mag-ingat at maging mapanuri!” pahayag pa niya.
Kamakailan lang inalmahan din ni Vice ang quotation na inimbento ng iba na diumano’y sinabi niya patungkol kay dating Presidente Rodrigo Duterte.
Ang mababasa sa nasabing quote card, “Ayaw kong magpakahipokrito ha, aminin natin nung time ni FPRRD, karamihan ng adik nagbagong buhay, karamihan sa mga kriminal nag uu nahang sumuko dahil sa takot kay Duterte.
“Confident kayong lumabas sa gabi dahil alam niyong yung mga kriminal at masasamang loob nabawasan na.
“Kung hindi si Duterte ang namuno ng pandemic, lahat tayo patay. Lahat ng pondo ng gobyerno ginamit ni Duterte maitawid lang tayo sa pandemic.”
Kaagad itong nilinaw ni Vice sa kanyang X at Facebook accounts.
“I never stated this. Pls report,” ang sabi ni Vice sa kanyang X page kalakip ang nasabing pekeng quote card.
“FAKE NEWS! Huwag paniwalaan ang kumakalat na pahayag na ito! Wala po akong inilabas o sinabi na ganitong statement,” sey naman niya sa FB.
“Maging mapanuri at huwag basta maniwala sa impormasyong walang malinaw o opisyal na pinagmulan. Please report!” aniya pa.
KIM NAIYAK SA MALL SHOW
Napaiyak si Kim Chiu sa gitna ng kanyang mall show sa Cebu na ginanap last Saturday.
Ito ay dahil sa banta ng netizens na ika-cancel ang movie nila ni Paulo Avelino na “My Love Will Make You Disappear” at dahil na rin sa sunod-sunod na bashings na kanyang natatanggap lately.
Sa nasabing viral video ay mapapanood na after her number ay nagsalita si Kim sa wikang Bisaya at nag-sorry na napaiyak siya.
“Naku, sorry talaga naiyak ako,” sey ni Kim translated in Tagalog.
“Naku, umiyak din sila,” sey niya nang mapansing nag-iiyakan ang ibang fans niya.
Pagkatapos nito ay inalala niya noong nag-audition siya sa “Pinoy Big Brother” sa same mall.
“Dito ako nag-umpisa. Dito ako nag-audition sa PBB. Nakatambay ako doon sa likod at doon bumalik lahat ng memories,” sey niya
“Naku, 19 years na pala akong artista,” sambit pa ni Kimmy.
Dito na naglabas ng himutok ang aktres.
“Tapos, ibash-bash kaagad. ‘Di naman totoo. Tapos sasabihin agad ‘di na raw panonoorin ang pelikula,” aniya.
Pero aminado siyang at first ay natakot siyang pumunta sa mall.
“Sa totoo lang, natakot rin ako dahil mall show kasi. ’Di naman siguro ako i-fail ng aking mga kababayan. Sabi nila huwag na tayo magpunta dito. Pero sige punta pa rin!” saad niya.
“Maraming salamat. Pasensiya na talaga dahil nag-nostalgia ako. Pero kakanta pa ako ng isa. Okay lang sa inyo?” pagtatapos ng aktres.
Matatandaang katakot-takot na pangba-bash ang natanggap ni Kimmy nang magsalita siya ng “dasurv” sa “It’s Showtime.”
Inakala ng netizens na parinig ito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na noo’y kaaaresto lamang.
Kaya naman nagalit sa kanya ang supporters ni Duterte at may kumalat pang picture na tinanggal ang mukha niya sa tarpaulin ng bakeshop na kanyang ine-endorse.
Nagpaliwanag agad ang aktres na binasa lang niya ang kanyang spiels at nakiusap na huwag siyang gawan ng gulo.