Vice

Vice, muntik sumabak sa call center

March 24, 2022 Vinia Vivar 99 views

Inamin ni Vice Ganda na binalak niyang maging call center agent nang panahong matigil ang It’s Showtime at wala siyang ginagawa.

Sa Showtime Sexy Babe segment ng It’s Showtime, ini-interview nila ang contestant na nagtatrabaho sa call center.

Dito ni-reveal ni Vice na binalak niya na magtrabaho sa call center nu’ng wala silang show.

“Trinay ko ngang mag-ganyan dati, plinano ko, nu’ng walang show. Walang Showtime. Trinay kong mag-call center. Sabi ko, parang gusto kong mag-call center,” pagre-reveal ni Vice.

Nagulat naman ang mga co-host niyang sina Vhong Navarro at Ogie Alcasid at nagtanong ng, “Totoo ‘yan? Talaga?”

Sagot naman ni Vice, “Oo, kasi may kaibigan akong mataas ang posisyon niya sa call center. Tapos nag-usap-usap kami, ‘mag-call center tayo, tutal, wala tayong ginagawa, parang bagong experience lang, para kunyari, bumalik sa Showtime, may ikukuwento akong bago.’”

Ang naging problema raw ay mahina ang wi-fi sa lugar nila.

“So, hindi lahat papasa. Kahit marunong kang mag-Ingles kung ngarag ‘yung wifi n’yo, ’di ba, hindi?” sey niya.

Tila na-curious si Vice sa mundo ng call center kaya gusto raw sana niyang masubukan.

“Gusto kong malaman ‘yung mundo nila. ’Di ba? Kakaiba ‘yung life nila,” saad pa niya.

Naikwento rin niyang nakapunta na siya sa mga call center office para mag-promote ng kanyang mga pelikula.

“Nu’ng kaputukan ng filmfest, lahat ng pagpo-promote, ginawa ko. Nag-call center promo rin ako. Pumunta ako sa iba’t ibang buildings ng call center,” pagre-recall pa niya.

AUTHOR PROFILE