Vice Mula sa Awra Briguela/IG

Vice hindi iniwan si Awra

August 23, 2023 People's Tonight 185 views

NILINAW ni Unkabogable Star Vice Ganda ang chismis na binitawan na umano niya ang alaga niyang si Awra Briguela.

Sey ni Vice, hindi totoo ang mga balitang kumakalat sa social media. Idiniin pa niya na siya pa rin ang gagabay kay Awra sa kabila ng mga isyung kinasangkutan nito.

“Alam mo nagtataka ako kung saan nila [yan] nakukuha. One, no one asked me. Ikaw lang ang nagtanong sa akin, no one asked me, I was not interviewed by anyone kaya nagtataka ako kung saan nila nakukuha ‘yung mga chika nilang iniwan ko si Awra,” saad ni Vice sa eksklusibong panayam ni MJ Felipe sa kaniya.

Dagdag pa ni Vice, imposible umano na iiwan niya ang kaniyang alaga dahil mismong si Awra ay bawal magsalita sa mga interbyu.

“Kasi si Awra cannot be interviewed. Bawal din siyang magbigay ng mga interview,” sey ni Meme Vice.

AUTHOR PROFILE