Vice Mga larawan mula sa IG/@pereziion27

Vice Ganda sa AI photos ni Ion: ‘Para kang tatay ni Ryan Bang’

October 7, 2023 People's Tonight 278 views

NAKISALI sa viral social media trend na AI-generated ‘90s-inspired yearbook photos ang model at “It’s Showtime” host na si Ion Perez.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Ion ang mga larawan niyang gawa ng AI.

“Eentry muna ako ne?” sey ng “It’s Showtime” host sa caption ng kanyang post.

Sa comment section ng post ay mapapansing nag-iwan ng reaksyon ang Box-office Superstar na si Vice Ganda na kamukha raw umano ng kanyang partner ang ama ng kapwa niya It’s Showtime host na si Ryan Bang.

“I love the 2nd pic babe. Para kang tatay talaga ni @ryanbang,” wika ng Unkabogable Star.

Bukod kay Vice, ilang netizens pa ang nagkomento sa mga AI-generated photos ni Ion.

“Heyyyy @praybeytbenjamin pogi ng asawa mo mhie.”

“Meme @praybeytbenjamin waiting kami sa entry mo.”

“Grabiii na. Bigyan mo nga ako ng LAH. jowk may Asawa ka na pala.”

AUTHOR PROFILE