Vice

Vice Ganda nasorpresa sa kanyang birthday

April 3, 2022 Aster Amoyo 294 views

COMEDY superstar Vice Ganda turned 46 years old last March 31 and the night before his actual birthday ay sinorpresa siya ng isang BTS-themed party na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, his “It’s Showtime” family na binubuo ng kanyang partner na si Ion Perez, Vhong Navarro, Kim Chiu, Amy Perez, Vhong Navarro, Teddy Corpus, Jugs Jugueta at Jackie Gonzaga. Dumalo rin ang ABS-CBN COO na si Cory Vidanes, Regine Velasquez, Nyoy Volante at iba pa. Pero ang kanyang birthday presentation sa “It’s Showtime” ay ginanap last Saturday, April.

Tuwang-tuwa ang “Unkabogable Star” dahil pagkalipas ng mahigit dalawang taon na nagsu-show sila sa “It’s Showtime” ay muling nagkaroon ng audience sa loob ng studio pero lahat ng mga ito ay dumaan sa antigen test. At umaasa si Vice Ganda na simula na rin ito ng kanilang pagkakaroon ng audience.

During the birthday special presentation ni Vice Ganda sa “It’s Showtime” last Saturday ay naging special guest performers ang BGYO at BINI in a production number at kinanta nila ang “Boom Panes” at “Karakaraka” ni Vice. Magkakasama namang sumayaw sina Ion Perez, Ryan Bang at Amy Perez sa awitin ni Vice na “Ang Kulit” habang magkakasama namang kinanta nina Karylle, Teddy at Jugs ang “Push Mo Yan”. Sina Vhong, Kim at Jackie naman ang nagpakitang gilas sa isang dance number during the opening.

Since espesyal na araw ni Vice, naging magarbo ang kanyang kasuotan at magkahiwalay niyang inawit ang “Queen” ni Todrick Hal at “Legendary” ng Skillet.

Sa halip na “Sexy Babes,” ginawa itong “Sexy Beks: Tag-init ng Ulo Edition” na tinampukan ng mga anak-anakan ni Vice na sina Chad Kinis, Negi, Petite, Mc Mhuah at Lassie Marquez.

Ilan sa mga nagpahatid ng video message kay Vice ay ang “Star for All Seasons” at politician na si Rep. Vilma Santos-Recto na nakasama ni Vice sa pelikulang “In My Life” in 2009 na tinampukan din nina John Lloyd Cruz at Luis Manzano at dinirek ni Olivia Lamasan. Nagpaabot din ng pagbati ang writer-director-turned managing director ng Star Cinema na si Olive Lamasan, Regine Velasquez, Angel Locsin, ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario at ang magkapatid na Eric at Epy Quizon.

Samantala, pinaghahandaan na rin ni Vice ang kanyang comeback movie in almost three years. Huli siyang napanood sa 2019 Metro Manila Film Festival movie na “The Mall, the Merrier” kung saan niya co-star si Anne Curtis na dinirek ni Barry Gonzales. Ito’y joint production ng Star Cinema at Viva Films.

Masayang-masaya si Vice dahil bukod sa magandang takbo ng kanyang career, maganda rin ang estado ng kanyang puso dahil sa kanyang partner na si Ion Perez na kanyang pinakasalan sa Las Vegas, Nevada, USA nung nakaraang February 13, 2022.

VanceVance nababago na ang image

TWENTY-seven-year-old theater actor-turned TV and movie actor Vance Larena had a good performance and exposure sa hit primetime drama series na “Viral Scandal” as Archie Soliman na tinatampukan nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Jake Cuenca, Dimples Romana at marami pang iba. Napanood na rin siya sa ilang indie movies tulad ng “Bakwit Boys,” “Bar Boys,” “Open,” at “Dead Kids”. Naging bahagi rin siya ng top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Although nagpakita na siya ng frontal nudity and butt exposure sa stage play na “Dilaw o Pula” nung 2018, hindi nito ikinakaila na kabado umano siya sa kanyang bagong sexy movie na “Biyak” na pinamahalaan ng award-winning actor na si Joel Lamangan. The movie requires him na maghubad bukod pa sa mga daring scenes.

Kasama sa “Biyak” movie sina Albie Casino, Melissa Mendez, Maureen Mauricio, Jim Pebanco at kung saan naman ipinapakilala sina Angelica Cervantes at Quinn Carillo.

Ayon kay Vance, kaya rin umano niyang makipagsabayan sa mga sexy actors ngayon.

Bukod sa pagiging actor, si Vance ay isa ring mang-aawit.

KailaKaila nagpakita ng husay bilang aktres

FORMER couple Janice de Belen and John Estrada must be very proud sa kanilang anak na si Kaila Estrada na sumabak na rin sa acting tulad ng kanyang nakatatandang kapatid, ang Kapuso actress na si Inah de Belen (Estrada).

First acting role ni Kaila ang “Viral Scandal” as Raven Montemayor pero agad itong nagpakita ng husay sa pag-arte na hindi naman kataka-taka dahil parehong mahuhusay na actor ang kanyang celebrity parents.

Bukod sa “Viral Scandal,” her first TV series, pinagkatiwalaan din si Kaila na gumanap sa isang lead role sa totoong character ng ex-PBB celebrity housemate, ang radio DJ na si Karen Bordador na naaresto at nakulong dahil sa isang illegal drug buy-bust operation nung 2016. Natutuwa ang young actress na agad siyang pinagkatiwalaan in her MMK portrayal.

Bukod kina Inah at Kaila, ang magkapatid ay may apat pang kapatid sina Moira, Yuan, Luigi `Iggy Boy’ (Muhlach) at Samantha Anechka. Si Iggy Boy ay anak ni Janice sa actor na si Aga Muhlach habang si Samantha Anechka ay anak naman ni John sa kanyang present wife, ang Brazilian national at dating beauty queen, 2003 Miss Globe at 2004 Miss Earth na si Priscilla Meirelles. Although iba ang ama at ina nina Iggy Boy at Aneckha, very close silang magkakapatid.

Samantala, hindi ikinakaila ni Kaila na ang kanyang inang si Janice ang kanyang hero. Bukod kasi sa isa itong mahusay na actress at host, naigapang umano silang limang magkakapatid bilang isang single mother magmula nang magkahiwalay ang kanilang parents nung 2001 when they were still kids.

Proud parents sina Janice at John sa ipinakikitang husay ni Kaila sa pag-arte considering na baguhan pa lamang ito sa industriya.

MajaMaja1Maja at Miles nasa ‘Eat Bulaga’ na

ALTHOUGH sina Maja Salvador at Miles Ocampo ay parehong produkto ng Kapamilya network, ang dalawa ay napapanood na ngayon sa Kapuso network longest-running noontime show na “Eat Bulaga” at kabilang din si Miles sa weekly sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA, ang “Happy ToGetHer”.

Tulad ng actor na si John Lloyd Cruz, si Miles ay nasa pangangalaga na rin ng Crown Artist Management na pinamumunuan ng actress na si Maja.

Si Miles ay guest co-host sa “Eat Bulaga” at nagkaroon sila ng instant rapport with Maja, Maine Mendoza at ang dating beauty queen na si MJ Lastimosa.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE