Vice Ganda kabado sa concert

June 8, 2021 Joey Aquino 349 views

MULING masusubukan ang unkabogability ni Vice Ganda sa kanyang first-ever digital concert – Gandemic: VG-tal Concert.

Sa July 17 (Philippine airing) at July 18 (worldwide screening) na ang kanyang virtual concert. Timing ito sa kanyang bagong game show na Everybody Sing na nagsimula na nitong nakaraang Sabado. Kaya visible pa rin si Vice. Araw-araw siyang napapanood sa telebisyon from Monday to Sunday. Kaya mapu-promote niya nang todo ang kanyang concert. Bukod pa ito sa kanyang multi-social media accounts na kung saan round-the clock siyang napapanood.

Isinantabi na muna ni Vice ang paggawa ng pelikula sa gitna ng pandemya, for obvious reason. Kung tutuusin, maging sa telebisyon kaya naman niyang pansamantalang magpahinga gaya ng ginawa nina Anne Curtis at Jhong Hilario. Ngunit sadyang pinaninindigan pa rin niya ang suporta sa It’s Showtime na nagpasikat sa kanya. Dahil siya ang pangunahing poste ng Kapamilya daily noontime show. Kapag umalis siya sa programa, tiyak na mawawala rin ito sa ere. Vice Ganda is It’s Showtime and vice versa, aminin o hindi. At siyempre, pinapatunayan lang niya kung gaano siya ka-loyal sa pagiging Kapamilya.

So, ano ang bagong pasabog ni Vice sa kanyang nalalapit na concert? Special guest niya si Anne Curtis. For sure, marami ang natutuwa at na-e-excite sa muling pagsasama ng dalawa. Dahil sa kanilang nakakatawang banter na nami-miss na ng mga madlang people. Sabi nga ni Vice, muli daw sila magbabarubalan. Na siguradong riot at magiging trending ito. Kaya tiyak na pasabog ang dalawang mag-best friends.

Debut concert niya ito sa digital platform. Kaya siguradong may nararamdamang pressure ang Unkabogable star, lalo na’t nasa gitna pa tayo ng kahirapan dulot ng pandemya. Will Vice set a new record in the digital world? Just asking…

Magagandang TV5 programs tatagal kaya?

MARAMING bagong programa ang unti-unting inilalabas ng TV5 para sa viewers. In fact, malaki na nga ang iginanda ng mga ito kumpara sa mga dating programa ng naturang network. Nakatutuwa ang ganitong development, dahil una, gumaganda ang landscape ng TV viewing para sa kanilang viewers. At marami sa mga nawalan ng programa sa ABS-CBN ay nabibigyan nila ng trabaho.

Ang puna lang ng ibang kritiko, karamihan sa kanilang magagandang programa ay co-production, or blocktimers. Nakapagtataka dahil sigurado namang may resources sila to produce their own. At dahil nga walang prangkisa ang ABS-CBN, napasok na sila ng dating kalabang network.

Ang tanong: paano kung mabigyang muli ng prangkisa ang Kapamilya network? At ang Kapamilya artists na napapanood sa Singko, malamang na babalik din sa sarili nilang network. Sino na lang ang maiiwang artista ng TV5 kung mangyari ito?

Dapat sigurong magkaroon ng plano ang management ng TV5 tungkol dito, if they really want to stay in the game? So, tatagal kaya ang magaganda nilang programa? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE