
Vice Ganda hindi nagawang lumapit kay Jessica
HINDI pala nagawang lapitan ni Vice Ganda ang award-winning host na si Jessica Soho kahit may pagkakataon ito noong dumalo ito sa GMA Gala 2023.
Inamin ni Vice na kinakabahan siyang dumalo sa GMA Gala 2023 dahil bukod sa iisipin ng ilan na s’ya ay gatecrasher, sampung taong rin kasi ang anibersaryo ng kanilang naging ‘alitan’ ni Soho.
Matatandaan noong 2013 sa kanyang konsyerto, kung ma-ri-rape daw si Soho kunwari sa isang bold film ang eksena daw dapat ay gang-rape, inilarawan rin ni Vice na ito ay isang lechon, at masisira daw ang timbamgan ‘pag s’ya ay nagpatimbang. Dagdag pa nito na ang panty daw ni Jessica ay parang sinlaki ng comforter.
Una itong pinuna ni Arnold Clavio na sinabing binastos nang husto si Soho at naglabas ng opisyal ang panig ni Soho na hindi dapat ginagawang biro ang rape. Inamin ni Vice Ganda na tinawagan n’ya si Jessica sa telepono ngunit tumanggi itong makipag-usap sa ‘It’s Showtime’ host.
Mula noon hindi na naging laman ng biro si Jessica ni Vice. Ayon sa marami, hindi naman kailangan mang-alipusta ng kahit sino makapagpatawa lamang. Hindi raw maikukumpara ang paraan ng pagpapatawa ni Vice Ganda kina Ai-AI delas Alas at Dolphy.
Hindi raw nilingon ni Soho si Ganda sa gala night, isang patunay na hindi naman nito kilala ang komedyante personally at walang dahilan para mag-usap sila.
Samantala, wala raw plano ang host na itampok si Vice Ganda sa numero unong programa ng GMA, ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Ai Ai kailangang bumalik agad sa Amerika
DUMALO si Ai-Ai de las alas sa GMA Gala 2023 suot ang black elegant gown na gawa ni Pristine de Guzman.
Sa naturang event, na-reunite siya with Richard Yap at Xian Lim na nakasama niya noon sa ABS-CBN teleserye na Binondo Girl na bida si Kim Chiu noong 2011.
Natuwa si Ai-Ai dahil doon lang daw sila ulit tatlo na magkikita after 12 years. Wish ng Comedy Concert Queen na magsama ulit sila sa isang TV show o pelikula.
Anyway, nasa Pilipinas si Ai-Ai para gawin ang isang TV project for Netflix.
Babalik sa US si Ai-Ai on July 29. Nagtatrabaho na si Ai-Ai bilang activity officer sa isang nursing home sa Amerika.
Matteo excited sa pagbabalik-teleserye
EXCITED sa kanyang naging first taping day para sa bagong teleserye si Matteo Guidicelli.
Sa morning show na ‘Unang Hirit’ ay nag-live si Matteo at nagkuwento ng kanyang mga naging mga eksena para sa teleserye na ‘Black Rider’.
“Marami na kaming nakunan na mga eksena. Mostly ay pareho kaming naka-motorsiklo ni Ruru (Madrid). May mga eksena pa kaming kukunan na nagkakarera kami. Hitik sa stunts ang teleserye na ito kaya dapat nilang abangan,” report pa ni Matteo.
Huling teleseye ni Matteo ay ang ‘Bagani’ nung 2018 pa. Kaya natuwa siya sa paglabas ulit sa isang teleserye.
“In regards sa ‘Black Rider’, I commend the writers and our director for coming up with a show like this na nagbibigay-pugay sa mga delivery rider. Isa kasi sila sa mga naging frontliner noong pandemic.
“They developed this whole show to give due respect sa lahat ng mga frontliners. Noong pandemic, nagmo-motor sila. Lahat ng mga delivery riders, kahit sobrang pandemic, nagtatrabaho pa rin sila. Ang I am happy to be part of this show,” sabi ni Matteo.