Viceion

Vice, bukas na sa pagpapakasal kay Ion … ‘gusto ko na maging parent’

October 1, 2021 Vinia Vivar 753 views

Kung dati ay walang-wala sa isip ni Vice Ganda na magpakasal sa isang lalaki, ngayon ay naiisip na niya ito with who else kundi ang dyowa niyang si Ion Perez?

Pahayag niya sa kanyang panayam sa podcast nina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, sinusuportahan niya, of course, ang same sex marriage pero wala raw ito sa plano niya noon.

Di ba, sabi ko, not for me? If my friends or some people in my community want to do it, I support them. Pero ako, not my thing. Hindi ko nakikita ‘yung sarili ko.

“Pero nae-excite na rin sa konsepto ng ‘oh, my God, one of these days baka magpakasal ako.’ ‘Yung ganu’n. Nae-excite ako. Lalo na ’pag nararamdaman ko na ang daming nagsu-support sa love namin sa isa’t isa. Kinikilig ako,” ani Vice.

Pati ang pagbuo ng pamilya at pagkakaroon ng anak ay kinu-consider na niya ngayon na dati ay hindi.

“Gusto ko na ring maging parent,” saad ni Vice na ikinagulat nina Jugs and Teddy.

“Yeah, kinu-consider ko na talaga siya. Gusto ko na maging parent. Kasi dati, ‘no, not my thing.’ Hindi ko kayang mag-alaga ng bata. Tapos eventually nag-grow sa ’kin ’yung pagkagusto ko sa bata dahil sa Showtime, sa mga Star Cinema na ginagawa kong pelikula,” sabi ni Vice.

Natutuwa raw siya sa mga bata at feeling daw niya ngayon ay kaya na niyang maging magulang.

“Ngayon, parang ay kaya ko nang bumuhay ng bata. Feeling ko, I can be a great parent, nararamdaman ko na sa sarili ko ’yun. Naggo-grow siya sa akin na I think, I can be a great parent, I think, I can enroll a kid to a wonderful school. ‘Yung ganyan,” sey ng Unkabogable Star.

AUTHOR PROFILE