
Vice at Santé Barley sanib-pwersa sa #LiveForMore campaign
PORMAL na sinalubong ng Santé International, isang global lider ng mga organic health at wellness products, si Vice Ganda bilang pinakabagong mukha ng Santé Barley.
Sa misyon na makatulong sa mga tao na mamuhay nang mas maganda, naghahain ang Santé ng mga natural health solution na pinagsasama ang siyensya at nature.
Ang flagship product nitong Santé Barley ay mula sa bukirin ng Canterbury region ng New Zealand, kaya naman tiyak ang mataas na kalidad nito at puno ng nutrients.
Ang iba pa nilang mga produkto ay ang Santé Pure Barley Juice, Santé Pure Barley Capsules, Santé Fusion Coffee at iba pang mga inumin at wellness products para sa iba’t ibang lifestyles.
Dahil sa magandang reputasyon, nakipag-sanib-pwersa ang kumpanya kay Vice Ganda bilang bagong endorser.
Dahil sa tagumpay sa live concerts at comedy, pelikula, musika, telebisyon at mga adbokasiya, patuloy na namamayagpag si Vice sa pag-inspire sa mga Pinoy na unahin ang kalusugan — dahil ito ang sikreto ng kanyang kasikatan at tagumpay.
Nu’ng 2023, nanalo ang kanyang game show na “Everybody, Sing!” bilang Best Asian Original Game Show sa Content Asia Awards — patunay na ito ay innovative at groundbreaking na programa na mahal ng mga manonood sa Asian region.
Noon namang Oktubre 2024, kinilala si Vice bilang Bahaghari Champion sa Bahaghari Awards bilang role model sa kumunidad ng LGBTQIA+.
Pagdating naman sa akting, ginampanan ni Vice ang una niyang dramatic role sa 2024 film na “And the Breadwinner Is…,” na dinirek ng award-winning filmmaker na si Jun Lana.
Kakaiba ito sa comedy movies ni Vice at umani ng glowing reviews mula sa fans at showbiz insiders. Nanalo rin si Vice ng Special Jury Citation sa 50th Metro Manila Film Festival nu’ng Disyembre.
Tagumpay din ang pelikula sa takilya dahil P400 million na ang kinita nito as of January, 2025.
Sa lahat ng ito, aminado si Vice na kailangan niya ang lakas upang maalagaan ang sarili. Seryoso siya sa regular na health check-ups, self-care at pagme-maintain ng positibong pag-iisip.
Katuwang niya rito ang Sante Barley. Hitik sa essential vitamins, minerals, amino acids at antioxidants, mahalaga ang Santé Barley sa pang-araw araw na buhay ni Vice dahil tinutulungan siya nito na maging malakas kahit sobrang busy.
“Kinakatawan ni Vice Ganda kung ano ang Santé Barley: To live life to the fullest while staying proactive about your health,” sabi ng Santé International CEO na si Joey Marcelo. “His ability to thrive in all aspects of his career while inspiring others at the same time makes him the perfect partner for our mission of helping Filipinos #LiveForMore.”
Excited din si Vice sa partnership: “Ang magandang kalusugan ang pundasyon ng lahat. I stay active and energized because I take care of my body, and Santé Barley has been a big part of that. I’m so excited to share with everyone how Santé Barley has helped me live for more — ‘di lang sa aking career pero pati na rin sa ibang aspeto ng aking buhay.”
Bilang pinakabagong ambassador, mangunguna si Vice sa kampanya na turuan ang mga Pinoy ukol sa transformative power ng mga produkto gaya ng Santé Barley. Mula sa pag-improve ng digestion hanggang sa pag-boost ng immunity at overall vitality, handog ng Santé Barley ang simple ngunit epektibong paraan upang mapag-ibayo ang kalusugan.
Sa tulong ni Vice, layunin ng Santé na ma-inspire ang publiko na gamitin ang kanilang full potential at mabuhay ng mas masaya.