Vice

Vice at Awra, posibleng maghiwalay bilang mag-manager

July 10, 2023 Vinia Vivar 351 views

May hindi magandang ginawa diumano si Awra Briguela sa manager niyang si Vice Ganda. Ito ang ibinuking ni Ogie Diaz sa latest vlog niya.

Kwento ni Ogie, six months nang hindi nakatira si Awra sa bahay nila at ang alam daw ng tatay nito ay sa condominium ni Meme (tawag kay Vice) nakatira ang anak.

“Nakaabot lang sa akin, ha? Na-shock ‘yung tatay ni Awra Briguela. Akala nu’ng tatay, all along, nakatira si Awra sa condo ni Vice Ganda ng mga six months na,” kwento ni Ogie.

Dagdag pa niya, “’Yun ang paalam ni Awra du’n sa tatay. Na hindi alam ni Meme.”

Nagulat nga rin daw si Vice nang malaman ito at sey daw ng TV host, “Ha? Sa condo ko nakatira? Wala, ah. Hindi totoo ‘yun.”

Sey pa ni Ogie, sa mga barkada pala nakatira si Awra.

“Kaya pumanatag ang loob ng tatay, akala niya na kay Meme. ‘Yun pala, sa mga barkada nakikitulog itong si Awra. Nag-i-enjoy sa barkada,” tsika ni Ogie.

Ang nakakaloka pa raw, June 30 naganap ang kinasangkutang gulo ni Awra sa isang bar sa Makati, at July 1 supposedly ay ilo-launch ito na kasama sa isang show. Kaya, hayun, napurnada ang raket.

Magkakaroon daw ng meeting sina Vice at Awra pati na rin ang tatay ng huli at wish ni Ogie na sana ay maayos ang problema.

Tama kaya ang naiisip naming baka humantong sa paghihiwalay ang dalawa kung hindi maaayos?

Anyway, nawa’y magsilbing aral ito kay Awra at iwasan na sana ang sobrang barkada at pag-inom.

AUTHOR PROFILE