Vic

Vic at Darryl nagharap sa korte

January 17, 2025 Vinia Vivar 81 views

Matapos magsampa ng 19 counts ng cybe libel si Vic Sotto laban sa direktor ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” na si Darry Yap, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagharap ang dalawa sa korte.

Naganap ang pagkikita nina Bossing and Darryl sa Muntinlupa Reginal Trial Court kaninang umaga (January 17) para sa hearing ng writ of habeas data na inihain ng kampo ni Vic kaugnay ng teaser ng Pepsi Paloma movie.

Naghain ng writ of habeas data si Bossing dahil hinihiling niyang tanggalin sa teaser ang parteng diumano’y “malicious and defamatory statement.”

Sa video na ipinost ni MJ Marfori ng TV5 ay makikita na naunang dumating si Darryl. Sinubukan ng media na hingan ng pahayag ang direktor pero maikli lang ang naging pahayag nito dahil may gag order na in-issue ang korte sa magkabilang kampo na nagbabawal sa kanila na pag-usapan ang kaso.

“I’m not really a morning person and I’m not allowed to say anything,” maikling sabi ni Darryl.

Kasunod namang dumating si Bossing kasama ang asawang si Pauleen Luna. Hiningan din siya ng pahayag pero tumangi rin ito.

“Sorry ha, hindi puwede magsalita,” sey ni Vic.

Nang matapos ang hearing at lumabas na si Darryl ay natanong ng press ang direktor kung kumusta siya.

“I’m okay, I’m still finishing the movie,” wika ng direktor.

Asked kung tuloy ang Pepsi Paloma movie, aniya, “Dapat, dapat.”

Hindi sumagot ang direktor nang tanungin kung papalitan ba ang title ng movie.

AUTHOR PROFILE