Viado BI Commissioner Joel Viado

Viado pinasisibak mga taga-BI na sangkot sa pagtakas ng Koreano

March 7, 2025 Jun I. Legaspi 199 views

PINASISIBAK na ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Viado ang mga tauhang sangkot sa pagtakas ng high-profile Korean fugitive.

Ito ay makaraang makakuha ng CCTV footage at testimonial evidence na nagpapakita ng posibleng sabwatan sa loob ng ahensya.

Inihain na rin ang criminal complaints sa Department of Justice (DOJ).

“This footage is damning evidence—hindi ito simpleng kapabayaan. The movements and interactions caught on camera strongly indicate collusion,” saad ni Viado.

“Adding to this, we have secured additional testimonial evidence that further strengthens our case against those involved,” dagdag ng opisyal.

Batay sa CCTV footage, makikita ang pangangasiwa ng BI officers sa pagtakas ng pugante.

Pinatotohanan din ito ng ilang testigo na nagpahayag ng pagkakasangkot ng ilang BI officers.

Kinumpirma pa ni Viado na matibay na ang mga ebidensyang nakalap laban sa mga taong sangkot.

“This is no longer just an internal disciplinary matter—this is a full-blown criminal case. The DOJ will take over, and we will ensure that those who betrayed public trust are held accountable,” diin ni Viado.

May ipinatutupad na ring preventive action laban sa ilan pang tauhan na hinihinalang sangkot din sa insidente kasabay ng pagsasagawa ng internal audit ng high-risk deportation at detention cases.

“Hindi tayo titigil hangga’t hindi napaparusahan at nakukulong ang mga may kasalanan para hindi na pamarisan,” saad ni Viado.

“This is just the beginning. The days of corruption, illicit deals, and under-the-table transactions in the Bureau are numbered.

Walang sasantuhin—everyone involved will face the consequences,” babala pa ng opisyal.

AUTHOR PROFILE