Vhong

Vhong, sa 2023 pa babalik sa ‘Showtime’

December 16, 2022 Vinia Vivar 213 views

Hindi raw muna magbabalik sa It’s Showtime si Vhong Navarro na matatandaan na pansamantalang lumaya kamakailan.

Sa ngayon kasi ay bumabawi muna ang TV host/dancer sa kanyang pamilya lalo pa nga at Kapaskuhan ngayon.

Ayon sa batikang manunulat at vlogger na rin na si Cristy Fermin, baka bandang February, 2023 pa magbalik si Vhong sa It’s Showtime.

“Kasi naman siyempre, ini-enjoy pa niya ‘yung pagmamahal ng kanyang pamilya. Unang-una siyempre, ang asawa niya, ang kanyang mga anak, ‘di ba? Ang kanyang dakilang ina. Natural lamang po na bumawi siya sa loob ng halos tatlong buwan na siya po ay napiit. Adjustment ‘yan,” pagbabalita ni ‘Nay Cristy.

“Kaya sa umaasa po na mabilisan daw po ang pagsalang muli ni Vhong Navarro sa Showtime, ayon sa kanyang mga abogado, parang nabanggit nila na Pebrero pa,” patuloy pa ni ‘Nay Cristy.

Gabbi

‘NANAHIMIK…,’ MUNTIK TANGGIHAN NI HEAVEN

Muntik na palang hindi tanggapin ni Heaven Peralejo ang Metro Manila Film Festival 2022 movie niyang Nanahimik ang Gabi dahil sa mga required na love scene with leading man Ian Veneracion.

“It took a lot of times para umoo ako du’n sa script. Kasi siyempre, meron pa kaming parang hindi pa pinag-a-agree-han ng mga panahon po na ‘yun,” kwento ni Heaven nang makatsikahan namin sa mediacon ng Nanahimik ang Gabi.

“But then, we’ve come to… parang nag-compromise kaming dalawa, ang Rein Entertainment and me, and they respected it,” patuloy niya.

Of course, kasama na nga raw sa pinag-isipan niya talaga nang husto ay ang love scenes with Ian.

“Hindi pa ako talaga ready for those kind of shots and those kind of scenes. And so, they understood and they changed the whole scene,” kwento niya.

First-ever love scene ito ni Heaven at nang ilabas nga ang trailer ay nag-viral agad ito’t pinag-usapan.

Sobrang thankful naman ni Heaven na talagang iningatan siya ng direktor na si Shugo Praico at sobrang gentleman din naman daw ni Papa Ian.

Bago kunan ang eksena ay nagkaroon na sila ng bonding moment ni Ian kaya wala naman daw awkwardness sa kanya.

“Before making that scene, kami ni Papa Ian, nagkwentuhan kami para maging comfortable kami with each other. I got to know the real him, and that made me trust him more and respect him more. So, when we did the scenes, parang I have so much respect for him,” she said.

Aminado rin ang aktres na kinilig siya nang sabihin sa kanyang si Ian ang makakapareha siya.

“Beterano na siyang aktor, eh. Parang a dream come true sa mga artistang nasa showbiz, ‘di ba, to be partnered with Ian Veneracion. So, para ‘kong, ‘oh my God, pumayag si Ian na ako ‘yung partner niya!’ Nakakatuwa,” sey niya.

At dahil nga si Ian ang huli niyang leading man, parang itinaas daw ng aktor ang level ng kanyang mga magiging kapareha in her coming projects.

“All I can say is parang he sets the bar high for the partners that I’m going to be with,” she said.

Ang Nanahimik ang Gabi ay isa sa walong official entries sa 48th Metro Manila Film Festival.

Showing ito sa December 25 sa mga sinehan.

Kasama rin sa pelikula si Mon Confiado.

AUTHOR PROFILE