Vhong

Vhong, pinayagang magpiyansa ng P1M

December 6, 2022 Ian F. Fariñas 128 views

NATUPAD ang dasal at hiling ng pamilya’t supporters ng komedyanteng si Vhong Navarro nang i-grant ng korte ang kanyang petition for bail para sa kanyang pansamantalang paglaya ilang linggo bago mag-Pasko.

Ibig sabihin, makakasama na ni Vhong sa Pasko ang mga anak na sina Frederick at Isaiah at ang misis na si Tanya Bautista na habang isinusulat ito ay katulong ng abogadong si Alma Mallonga sa pag-aayos ng ilan pang mga papeles para sa pagpipiyansa nito ng P1 milyon.

Base sa desisyong pinirmahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 presiding judge na si Loralie Cruz Datahan, sinabi ng korte na, “Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this Court is not convinced at this point, that there exists a presumptive great leading to the inference of the accused’s guilt.

Dagdag nito, “It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (PhP 1,000,000.00).

“So ordered. 05 December 2022, in Taguig City.”

Matatandaan na dalawang buwan ding na-detain si Vhong sa headquarters ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa na-revive na kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Nitong Nobyembre, inilipat si Vhong mula sa kustodiya ng NBI sa Taguig City Jail habang hinihintay ang desisyon ng korte kaugnay ng kanyang petition for bail.

AUTHOR PROFILE