Vhong Navarro

Vhong ‘di pa dapat bumalik sa show

December 10, 2022 Joey Aquino 198 views

TULOY ang masayang Pasko para kay Vhong Navarro dahil sa kanyang pansamantalang paglaya.

The comedian-host walked free from his detention cell in Taguig City after posting a P1 million bail, last Tuesday. Kaugnay ito sa kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa nang modelong si Deniece Cornejo laban sa actor. Matatandaan na muling nabuksan ang kaso matapos maglabas nang warrant of arrest ang Taguig MTC Branch 116 laban kay Vhong; na kaagad namang sumuko sa National Bureau of Investigation noong September 19.

Sa kanyang pansamantalang paglaya, tuwang-tuwa ang kanyang pamilya, mga kaibigan at supporters. Pero hindi lahat masaya dahil may mga kumukwestyun kung bakit daw siya nakapag-piyansa gayung non-bailable daw ang kaso. Accordingly, the court allows the defendant to bail if the evidence of the prosecution is weak.

Samantala, usap-usapan na agad ang diumano’y pagbabalik ni Vhong sa It’s Showtime.

Ayon sa balita, itataon daw niya ito sa kanyang birthday sa January 4. Magandang idea ito para salubungin ang bagong taon at bilang pasasalamat na rin.

Pero yung pagbabalik niya sa regular hosting, parang di pa napapanahon dahil ongoing pa rin ang kaso niya. Sana mapayuhan siya na mag-leave muna sa show para ‘di siya pag- initan ng kanyang mga kaaway.

Tandaan niya na hindi pa rin siya totally off the hook sa kaso. Bukod kay Cornejo, may mga ilan pa rin na nanggigigil sa galit sa kanya, lalo na ang mga nagsampa ng rape case laban kanya na sina stunt woman Margarita Fajardo at pageant contestant Roxanne Cabanero. Kapwa na-dismiss ang isinampa nilang kaso. At nito lang huli, nag-post ng cryptic message ang TV host na si Kat Alano, kasabay sa pag-bail out ni Vhong. “It’s a nightmare that keeps going. Evil wins,” bahagi ng kanyang post.

Makakatulong ba sa paglutas ng kanyang kaso ang pagiging visible niya sa TV? Just asking…

Leksyon sa pagkamatay ni Jovit

MULING nabalutan ng lungkot ang showbiz sa pagpanaw ng Pilipinas Got Talent Season 1 grand winner na si Jovit Baldivino.

Nitong December 6, unang lumabas ang balita ng kanyang diumano’y pagkamatay matapos siyang isugod sa isang ospital sa Batangas City. Ngunit kaagad din itong pinasinungalingan ng kanyang asawa na si Camille Ann Miguel. Umapela pa ito sa social media na itigil ang pagpapakalat ng fake news at humingi ng tulong sa pagdarasal para sa paggaling ng singer. Ngunit nitong Biyernes, December 9, nag-post muli si Camille ukol sa pagpanaw ng kanyang mister. Aneurysm ang itinuturong dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa post ng isang account na may handle na ;jerryvoyage (na isa sa mga dumalaw sa ospital), napag-alaman na nagpapagaling ang singer dahil sa hypertension, ayon na rin sa kwento ng kanyang mga magulang at asawa. Payo raw ng doktor na huwag munang kumanta; ngunit sa kabila nito ay dumalo pa rin sa party ng isang kaibigan at doon ay kumanta pa. Saad ni ;jerryvoyage “his face was deformed with flowing salivas.”

Listen to your body. Ito ang madalas nating mabasa o marinig ‘pag may mga ganitong pangyayari. Well it’s true. We should know when to slow down – literally and
figuratively, speaking. Sa mga naulila ng singer, nakikiramay po kami. RIP, Jovit!

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905- 558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE