Default Thumbnail

Vendor tumulong sa hinoldap, dedo sa holdaper

February 17, 2022 Edd Reyes 328 views

PINAGSASAKSAK ng dalawang holdaper ang isang vendor na nagtangkang tumulong sa hinoholdap na tricycle driver Miyerkules ng gabi sa Caloocan City.

Kaagad na nasawi ang biktimang si Carmelito Nunag, 55 ng Barangay 176 Bagong Silang sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang nadakip naman ang isa sa dalawang suspek na kinilala lamang sa alyas na “David” habang nakatakas naman ang kasamahan niya na si alyas “Jay-R”.

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, sumakay ang mga suspek sa ipinapasadang tricycle ni John Paulo Calcita pasado alas-9 ng gabi at pagsapit sa madilim na bahagi ng Barangay 176 ay nagdeklara na ng holdap.

Nagawa namang makatakbo ng biktima at nagsisigaw na humingi ng saklolo na tinugunan naman ni Nunag na nagtangkang pigilan ang mga holdaper subalit siya ang napagbalingan ng dalawa at pinagtulungang saksakin.

AUTHOR PROFILE