Default Thumbnail

Vendor tinambagan sa stall sa Tondo dedo

October 14, 2022 Jonjon Reyes 276 views

MAGKAKASUNOD na putok ng baril ang umalingawngaw bago natagpuang duguan ang isang vendor sa loob ng stall sa Tondo, Maynila, iniulat ng pulisya.

Ang biktima ay miyembro diumano ng “Commando Gang” at naninirahan sa Bgy. 13 sa Tondo.

Base sa ulat n isinumite ni Det. Jansen Rey San Pedro kay P/Lt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, pasado alas-3:15 ng hapon araw ng Huwebes, Oktubre 13 nang maganap ang pamamaril sa Zaragosa St. malapit sa Asuncion St. sa Tondo.

Ilang tambay sa lugar ang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at nang kanilang usisain, nakita nilang nakabulagta na ang biktima.

Mabilis nila itong isinugod sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical center subalit dakong 4:30 ng hapon nang idineklarang patay ng mga attending physician.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad habang naghahanap ng testigo sa ikalulutas ng kaso.

AUTHOR PROFILE