
Vendor inaresto dahil sa ginawang kalaswaan
LAGLAG sa mga parak ang vendor dahil sa 2 counts ng acts of lasciviousness sa Liwayway corner Quezon Sts., Tondo, Manila noong Huwebes.
Nakilala ang suspek na si alyas Celso, 53, na nahuli bandang alas-5:00 ng hapon, ayon sa police report.
Nahuli siya sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 6 Family Court, Manila City.
May inirekomendang pyansa na P180,000 sa bawat isa ng dalawang counts ng kaso na isinampa sa suspek.