Crime

Vendetta ugat ng pagpatay sa Taguig–pulis

February 18, 2024 Edd Reyes 190 views

VENDETTA ang posibleng motibo sa pagpatay sa street sweeper na tinadtad ng bala sa ulo at katawan ng mga salarin noong Biyernes sa Taguig City, ayon sa mga pulis.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Mark Pespes, kilala na ang dalawang suspek at nagayo’y tinutugis na matapos lumutang ang isang testigo at nagbunyag sa detalye ng pagpatay kay alyas Jonna.

Nangyari ang krimen dakong alas-6:45 ng umaga habang kausap ng biktima ang kapwa street sweeper na si alyas Kriszha.

Ayon sa testigo na itinago sa alyas Celiz, pinatay ang biktima nina alyas Eñaque at alyas Byron.

Natuklasan ng pulisya na sangkot sa iba’t-ibang krimen si Eñaque. Kasama dito ang murder, paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act at PD 1602 o Illegal Gambling.

Alam umano ni Jonna ang kilos at galaw ni Eñaque at live-in partner nito dahil nasangkot na rin siya sa ilegal na droga at nadakip na rin sa paglabag sa R.A. 9165.

“The SPD remains steadfast in its commitment to the safety and well-being of our community. We appreciate your understanding and support during this challenging time,” sabi ni Pespes.

AUTHOR PROFILE