Valerie

Valerie may message sa anak

October 27, 2022 Aster Amoyo 299 views

Valerie1

THIRTY-four-year-old actress Valerie Concepcion became a young mother at age 16 to daughter Heather Fiona (18) courtesy of her non-showbiz ex-boyfriend who turned his back on her when she became pregnant with her baby.

Valerie single-handedly raised her daughter (who never met her biological father up to this day) with the help of her family. But if there was something good that happened to her early pregnancy, it was because she was blessed with a beautiful, kind, sweet, loving, caring, God-fearing and dutiful daughter.

Fiona did not only become Valerie’s daughter but also her best friend who found a father figure in the actress’ non-showbiz husband, Guam-based Francis Sunga (who also has a daughter from a previous relationship).

On her daughter’s 18th birthday last October 25, isang madamdaming mensahe ang ipinaabot ng actress para sa kanyang anak on her IG account.

“Today, you’ve unlocked the 18th birthday milestone. I don’t know what I did to deserve such a kind, sweet and loving daughter. You have a beautiful soul and I wish people can see you for the beautiful person that you are. I hope you know how much I love you and how proud I am of you. I am so grateful because I;

I’m lucky and blessed to have you as my daughter and to be your mom.”

Valerie gave birth to Fiona nung October 25, 2004. It was last June 9, 2022 when her daughter graduated from high school sa Miriam College at nasa kolehiyo na ito ngayon.

Since naka-base sa Guam, USA ang mister ni Valerie dahil naroon ang trabaho nito, pabalik-balik ng Guam at Pilipinas si Valerie dahil narito sa Pilipinas ang kanyang trabaho bilang actress

Whenever na may pagkakataon naman si Francis ay siya mismo ang lumilipad patungong Pilipinas. Nasanay na rin ang mag-asawa sa kanilang set-up at natutuwa si Valerie sa pagiging supportive ng kanyang mister sa kanyang career.

Given the chance, gusto ng mag-asawang Valerie at Francis na mabibiyayan din sila ng sarili nilang anak.

JayJay1

Jay pasado pa ring sexy actor

AT 46, pasado pa rin bilang sexy actor si Jay Manalo na napakahusay sa pelikulang “Selina’s Gold” na pinagsasamahan nila nina Angeli Khang at Gold Aceron mula sa panulat at direksyon ng award-winning director na si Mac Alejandre under Viva Films.

Ang pelikulang “Selina’s Gold” ay hindi lamang basta-bastang sexy drama movie dahil napakalinaw na narrative nito, nakakagulat ang twist, well executed and directed at mahuhusay ang mga artistang nagsiganap at kasama na rito ang mga veterans na sina Soliman Cruz, Archie Adamos, Aurora Sevilla at Mickey Ferriols. Bukod sa kakaibang kuwento, napaganda ng production design at cinematography na lalong nagpatingkad ng kuwento.

Naghubad at nagpaseksi man sa pelikula sina Angeli, Jay at Gold maging ang sexy actress na si Azi Acosta, mas matatandaan ng mga manonood ang kabuuan ng pelikula.

Si Jay ay maihahalintulad sa wine na habang tumatagal ay lalong lumalasa. Talagang na-hone ang kanyang acting through the years since he started in 1994 sa bakuran ng Viva Films, his home studio hanggang ngayon.

Although sa mga action movies nagsimula noon si Jay, it was in 1997 when he was launched into full stardom ng Viva sa pamamagitan ng sexy movie na “Totoy Mola” na dinirek ni Abbo de la Cruz. Pero ang maganda kay Jay ay nag- evolve siya bilang isang versatile actor at ipinakita niya sa lahat na hindi lamang ang pagpapa-seksi ang kaya niyang gawin. This is also the very reason kung bakit hanggang ngayon ay in-demand pa rin siya bilang actor after being in the industry for 38 years.

Selena3

Gold matangkad sa husay at karanasan

HINDI katangkaran ang 5’4” dramatic actor na si Gold Aceron (Jerould Golde Aceron) pero daig pa nito ang six-footer pagdating sa kanyang husay sa pag-arte na nahasa nang husto since he joined showbiz in in 2014.

Unang napansin ang husay sa pag-arte ni Gold nang ito’y mapanood sa “Magpakailanman” drama anthology hosted by Mel Tiangco on GMA sa episode na “Siga Noon, Beki Ngayon”. He has guested on the show thrice already na sinundan ng “Brother Na, Sister Pa!” in 2015 and in another episode noong nakaraang taon.

Although walang qualms si Gold sa pagganap sa mga gay roles, naipapamalas niya sa lahat na kaya niyang gampanan ang iba’t ibang klase ng papel na ipagkakatiwala sa kanya.

Bukod sa iba’t ibang TV guestings, nagsimulang gumawa ng pelikula si Gold in 2012 sa pamamagitan ng “The Best Daughter” na sinundan ng “10000 Hours” in 2013, “Lando at Bugoy” in 2016, “Teen-Age Marriage” in 2017,” “Metamorphosis” in 2019, “The Baseball Player” in 2021 at “Princess Daya Reese”. Pero napansin nang husto si Gold this year sa kanyang sunud-sunod na lead roles na ginampanan tulad ng “Scorpio Nights 3,” “May – December-January” at itong “Selena’s Gold” where he shares stellar billing with Angeli Khang and Jay Manalo. Ang kanyang most recent films na “May -December – January” at “Selena’s Gold” ay parehong dinirek ng premyadong director na si Mac Alejandre.

“I am blessed to have worked with notable and award-winning directors pati mahuhusay na mga actor,” pahayag pa ng 24-year-old actor.

Ayon sa writer-director ng “Selina’s Gold” na si Direk Mac, when Gold was cast sa “May-December-January” movie, nagka-isa ang production team na bagay ang young actor sa papel ni Domeng sa “Selena’s Gold” at hindi umano sila nagkamali.

Naniniwala ang movie scribe and critic na si Mario Bautista na hindi umano siya magugulat kung magkakaroon ng acting nomination ang papel na ginampanan ni Gold sa “Selina’s Gold” maging sa pelikulang “May-December-January”. He’s also good sa “Scorpio Nights 3”.

Mas gusto ni Gold na ma-recognize siya bilang isang mahusay na actor kesa isang sexy actor dahil hindi lamang daw ang pagpapa-sexy at paghuhubad sa pelikula ang kaya niyang gawin.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE