Luis3

Urot na bashers, tameme kina Luis at Jessy

January 30, 2023 Ian F. Fariñas 330 views

INILABAS na ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang mukha ng kanilang anak na si Baby Rosie o tinatawag nilang Baby Peanut sa kani-kanilang social media account.

Natameme ang netizens, lalo na ang urot na bashers na kung anu-ano ang paninira sa bata at mag-asawa noong hindi pa nila ipanakikita ang mukha ng bata, huh!

Maganda na, tisay na tisay pa!

Naku, siguradong baliw na baliw sa unang apo sa anak na si Luis ang Lola for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa ganda ng apo, huh!

Naku, bashers, subukan ninyong pintasan o siraan si Baby Rosie dahil makakatikim kayo nang banat na walang humpay mula kay Luis.

‘KMJS,’ PATULOY NA UMAANI NG AWARDS

NAPATUNAYAN muli ng Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday ang galing nito sa pagpapalabas ng features sa episode nu’ng Sunday kaya patuloy itong umaani ng maraming awards.

Featured last Sunday ang hit song ng bandang Mayonnaise na Jopay.

Totoo palang inspirasyon ng kanta si Jopay Paguia ng Sex Bomb Dancers. Matagal nang nabigay ng lead singer ang study tape ng kanta upang mapakinggan.

Pero dahil busy ang Sex Bomb that time, hindi ito napansin ni Jopay hanggang naging hit at naalalang narinig na niya ito.

Eh, isang viral video sa Tiktok ang kumanta nang sintunado ng Jopay. Siya si Kosang Marlon ang tawag at milyon ang views sa app.

Ang ginawa ng KMJS?

Pinagsama sa feature ang interview kay Jopay, interview sa Mayonnaise at kay Kosang Marlon. Nag-collab pa si Marlon at ang Mayonnaise na sinabayan ang sintunadong version ni Marlon ng Jopay, huh!

Very impressive, KMJS! Keep up your good work!

AUTHOR PROFILE