Default Thumbnail

Upside at downside sa Kanluran

May 30, 2022 Allan L. Encarnacion 352 views

Allan EncarnacionANG Filipino mentallity, palaging nakatuon sa Kanluranin.

Mga bata pa tayong lahat or mas tama siguro, mga bata pa iyong lolo’t lola natin, narinig na natin ang salitang colonial mentality. Magmula sa sapatos hanggang sa sumbrero, mula ulo hanggang paa, Western ang gustung-gustong moda.

Hindi pa sikat ang Nike noong araw, lahat gustong magkaroon ng sapatos na Adidas na galing sa States or Europe kahit saan pa ito gawa basta galing Kanluran, ayos na. Hindi pa palasak ang mga imported market, tuwang-tuwa tayo sa mga Hershey’s at Cadbury chocolates ng Amerika or ng Europa kahit marami sa atin ay masaya na sa Goya at Chocnut.

Sabi nga sa isang komersiyal sa telebisyon noong early 90s, “iba sa Amerika dahil walang lubak na kalsada.”

Wala namang argumento, iba rin talaga sa Amerika at iba rin talaga sa mga bansa sa Europa. May mga estado sa US na rin naman tayong napuntahan pero hindi pa napadpad sa kahit anong bansa sa Europa.

Ang maganda talaga sa Amerika, maraming maayos na lugar at ramdam mong ang mga nagiging lider ng estado at ng federal na gobyerno ay nakatuon sa pagsasaayos ng kanilang bansa. Totoo, rin naman, may ugly side din pero kagagawan naman iyon ng mga walang magawa sa buhay na Kano.

Halimbawa’y ang New York City, kung galing sa La Guardia or Kennedy airport, bago ka makarating sa Broadway area or sa mismong city, marami ka ring madaanang lugar na sinalaula ng mga walang magawang mamamayan nila, puro graffiti or mga pintura sa pader na parang “SRB” na nakikita natin dito.

Sangkatutak din ang mga basura sa iba’t ibang sulok dahil nga rin sa walang malasakit na mamamayan na katulad din dito sa atin. Ganito rin ang kuwento ng ibang kaibigan kong nagpabalik-balik na sa France or Spain or UK. Marami ring lugar ang binababoy ng mga taong walang magawa sa buhay.

Nakapag-stay na ako sa Holiday Inn sa civic center sa downtown San Francisco. Maganda ang lugar kaya lang, iyong mga nasa paligid, makalat dahil sangkatutak ang homeless na doon na nag-kampo. Iyon palang civic center, sentro ng mga homeless.

Ganoon din sa Los Angeles area na madalas kong napupuntahan. May mga area na hindi mo aakalaing nasa Amerika ka dahil sa dami ng kalat mula sa mga nakatira sa kalsada.

Overall, hindi mo rin masisi ang mga Pinoy na Kanluranin ang isip kasi nga, maganda halos lahat ang iyong makikita bukod sa magandang weather, lalo na kapag winter at spring time.

Pero sabi nga, may upside and downside ang Western. Ang hindi lang maganda sa kanila ay iyong liberal o kalayaan sa pagdadala ng baril. Sa kanila kasi, kalayaan at karapatan ang pagkakaroon ng armas.

Hindi sinusukat ang kapasidad ng utak at karakter ng pagkatao sa pagbili ng armas. Para ka lang bumibili ng paracetamol kapag bumibili ng baril. Kaya nga may pangamba ka rin kung minsan kapag nasa public area ka, hindi mo alam kung kasama mong nagsasaya sa mall ang utak-pulbura.

Tulad ngayon, nasa headline na naman ang Amerika at ang Canada dahil sa mga mass shooting. Dito naman natin dinaig ang Amerika at Europa, bihira or halos wala tayong kaso ng trigger-happy citizen na bigla na lang mamaril sa mataong lugar at walang pakialam kung ilan ang mamamatay.

Kaya nga iyong mga sobrang nag-aasam na makapunta sa Amerika, Europa at Canada, nagkakaroon din sila ng pangamba dahil sa mga nangyayaring mass shooting. Idagdag mo pa ang hate crimes.

Dito sa atin, nagkakaroon ng kaunting kaluwagan sa pagdadala ng armas, iyong dating isang taon lang ang permit to carry outside residence, puwede nang maging tatlong taon.

Matapos ang serye ng mass shooting sa Amerika, nagpaparamdam na si President Biden ng apela sa mga pro-guns sa kanila na mag-isip-sip na ng kanilang paninindigan dito.

Wala naman talagang puwang sana ang pagdadala ng armas kaya lamang, proteksiyon sa sarili ang tingin nila dito hindi “killer.”

Sa isang banda, ano mang lakas ng kalibre, hindi namang makakapatay kung walang tao na magmamanipula.

Taong praning ang nakakamatay, hindi ang armas.

[email protected]