Sunshine Larawan mula sa IG/Sunshine Guimary

‘Untouchable!’

January 13, 2025 People's Tonight 103 views

KAHIT nga 2025 na, nasa Vivamax actress na si Sunshine Guimary pa rin ang korona kung pag-uusapan lang din ang husay sa paghahain ng juicylicious na body sa social media.

“Pwedeng titigan pero bawal hawakan” ang atake ng isang post ni Sunshine sa Instagram. Nag-ala sexy doll ang sexy star sa patakam overload niyang bikini photos.

“Untouchable!” maikling caption niya sa kanyang post.

Tumulpit sa mundo ng kanilang pantasya ang mga barako dahil sa rumaragasang patakam ni Sunshine. Sino ba namang kelot ang hindi mahuhumaling sa pagsusuot ng bebot ng two-piece string swimwear.

Fresh at glowing sa kanyang mestiza beauty si Sunshine na para bang siya mismo ang araw na nagbibigay liwanag at pampainit sa mga kalalakihan.

Mare-relax ang mga barako sa mala-anghel na ganda ni Sunshine pero magwawala ang kanilang mga alaga sa mala-halimaw niyang kaseksihan at hotness.

Ngayon nga ay mukhang hindi lang ang naglalakihang mga “pakwan” niya ang bida sa post, dahil this time legs namang niyang nakakasilaw ang bumulaga sa screen.

Masagana sa katambukan ang mga bahagi ng kanyang katawan na suki sa mundo ng pantasya ng mga nasa opposite sex.

Hindi magkandaugaga ang kanyang followers sa kanyang post. Walang pag-aalangan ang pag-double tap ng netizens sa kanyang mga larawan para ito’y pusuan.

Narito nga ang ilang comments nila sa post: “Grabe ka talaga,” “You still got it,” “Daig mo pa yung mga AI generated images,” “She is what perfect looks like,” at “More pictures pa madam.”

Nakilala si Sunshine sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Kaka (2021), Shoot shoot! Di ko siya titigilan! (2021), at House Tour (2021).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar