Vilma2 Vilma Santos

‘Uninvited” Gatecrushers Tour sa Cebu tagumpay

December 12, 2024 Eugene E. Asis 143 views
Vilma3
Cebu press sa mediacon
Bryan
Mentorque producer Bryan Dy

NAGING isang malaking tagumpay ang Gatecrushers Tour na ginawa ng buong cast ng official MMFF 2024 entry na “Uninvited” sa Cebu kamakailan lamang.

Sa pangunguna ng Star for all Seasons na si Vilma Santos, kasama sina Aga Muhlach, Nadine Lustre at iba pang kasama sa cast, producer na si Bryan Dy at direktor na si Dan Villegas, hinarap nila ang mga excited na Cebu press na tinawag ang pelikula bilang “gift to Filipino audiences.”

Sabi nga ng producer na si Bryan Dy sa kanyang speech sa Citadines Hotel: “Watching a movie in theaters is a luxury, so we made sure this is worth every peso. It’s indeed a full cinematic experience in theaters this Christmas.”

Tulad ng handog ng kanyang Mentorque Productions noong isang taon, ang “Mallari” na tinatawag na “most awarded Filipino horror movie of all time,” isa na namang milestone na maituturing ang paggawa nila ng “Uninvited.” Bukod sa talagang malalaking aktor ang nagbibigay buhay sa kuwento, kakaiba rin ito sa mga nagawa na ng mga artistang kasama rito.

Anim na taon bago muling gumawa ng pelikula ang direktor na si Dan Villegas at sobrang inspirado siya sa paggawa nito. Katulong ding prodyuser ang Project 8 Projects nila ng partner na si Antoinette Jadaone, at idi-distribute ang pelikula ng Warner Bros. Pictures.

Ang kuwento ng “Uninvited” ay naganap sa isang gabi lamang. Gumaganap si Vilma bilang si Eva Candelaria na pagkatapos ng sampung taon ay naghintay para lamang makapaghiganti sa karakter ni Aga bilang Guilly Vega. At tulad ng linya ni Aga na makikita sa trailer ng pelikula, “Hindi ito basta party!” mukhang hindi lang ito basta isang pelikula kundi isang karanasan sa mga artistang kasama rito.

Ngayon pa lang, marami na rin ang gustong maranasan ang mapanood ang pelikulang “Uninvited.”

AUTHOR PROFILE