Default Thumbnail

‘Underground tasking’ sa Office of Press sec

October 7, 2022 Allan L. Encarnacion 277 views

Allan EncarnacionSINO kaya ang susunod na Press secretary/spokesman ng palasyo matapos ang pagre-resign ni Atty. Trixie Angeles?

Kabilang sa mga pinagpipilian ay sina dating mediaman/congressman Gilbert Remulla, former Erap spokesman Mike Toledo, ang kaibigan nating si DoTr Usec for rail Cesar Chavez at Manila Times boss Dante Klink Ang Jr.

Mabigat ang trabaho ng Press Secretary kaya importanteng magaling ang maitatalaga ni Presidente BBM.

Tumanggi na si Chavez pero iyong ibang candidates ay wala pang caterogical na pagtanggi or pagtanggap.

Mukhang si Gilbert ang top contenter pero may mga nagsasabing dark horse si Klink Ang.

Wala namang masamang pareho silang kunin ng Palasyo, isang spokesman at isang Press secretary dahil pareho naman silang comptetent para sa position.

Bukod sa mga nakaharap sa diyaryo, telebisyon, radyo, at social media ang importante rin na maitalagang kasama sa Press Sec team ay mga media operators na dalubhasa sa media relations.

Kahit magaling ang Press secretary at spokesman pero hindi magagaling ang mga nasa ibaba, magkakaproblema rin. Kahit sa giyera, hindi lang iyong may hawak ng baril ang panlaban, kailangan din ng tactician.

Sa ngayon may mga kaibigan na tayo ang nasa Office of the Press Secretary kaya dapat sila ang mabigyan ng “underground tasking” para mas mapagaan ang trabaho ng mga nakapronta.

Magagaling naman ang mga kaibigan natin dyan dahil mga beterano at alam ang trabaho.

Kailangan lang nilang magpasiklab, lalo na sa bagong boss nilang darating.

[email protected]