Tondo1 Makikita ang lalaki na nasa gilid ng garbage truck at aksidenteng nahulog at magulungan ng paparating na isa pang truck sa Mel Lopez Blvd., Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Umakyat sa truck nahulog, napisak ng gulong, tepok

January 14, 2025 Jonjon Reyes 240 views

TondoPATAY ang lalaking nangangalakal ng basura nang mahulog sa truck na sinampa niya at nagulungan ng kasunod na trailer truck na tumakas ang driver sa Mel Lopez Blvd., Tondo noong Linggo.

Base sa ulat, bandang ala-1:28 ng hapon nagulungan ang biktimang si alyas Michael Porcadilla, 53, sa bahagi ng Brgy. 105 sa Road 10 o Mel Lopez Boulevard.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lang nahulog ang lalaki at nasakto naman na may paparating na trailer truck at doon na nagulungan ang biktima.

Ayon sa report, hindi sumuko ang driver ng truck kaya pinaghahanap na ngayon ng awtoridad.

AUTHOR PROFILE