Pic5

Two-night concert ng Cup of Joe, sold out

January 15, 2025 Jun Nardo 123 views

SOLD out agad ang tickets sa gaganaping two-night concert ng young band mula sa Baguio City na Cup of Joe. Gaganapin ito sa Araneta Coliseum sa February 8 and 9.

Titled “Silakbo,” mapapakinggan sa concert ang original music ng COJ, pati na ang mga kantang nakapaloob sa “Silakbo” album nila.

Gaya ng ibang performers na nagkaroon ng sold-out performance sa Areneta, kabado but at the same time excited ang members ng grupo na naging byword sa musika simula noong 2023.

Bukod sa hit songs, iparirinig din ng COJ ang mga bago nilang kanta gaya ng “Sagada,” “Mananatili,” “Kanelang Mata” at “Silakbo.”

After Araneta, lilibot ang banda sa Cebu, Davao at Baguio City na susundan ng US and Canada tour.

Despite the success, nananatili pa ring mahiyain at humble ang members na sina Gian Bernardino, Rafael Ridao (vocals), Gabriel Fernandez (lead guitar), CJ Fernandez (rhythm guitar), Xen Gareza (keyboards) at Elian Skia (drums).

“Silakbo” is a production of Viva Live and Viva Music Group.

AUTHOR PROFILE