Ella

Tweets ni Pokwang, OA at below the belt — Ella

July 24, 2022 Vinia Vivar 261 views

Iyak nang iyak si Ella Cruz habang iniinterbyu ni Boy Abunda sa The Interviewer Presents Ella Cruz digital show sa YouTube channel ng King of Talk na in-upload nu’ng Friday.

Sa nasabing panayam, isa sa mga pinag-usapan ang kontrobersyal na issue kay Ella kung saan ay sinabi ng aktres na “history is like chismis” na umani ng katakut-takot na batikos.

Sa simula ay ipinaliwanag ni Ella kung bakit niya nasabi ang “history is like chismis.” Tinanong lang naman daw siya kung ano ang point of view niya pero hindi niya inaasahang lalaki ito at pagmumulan ng kontrobersiya.

Paliwanag niya, “Marami tayong mga hindi alam sa history na nasa… tama pa rin, nasa libro pa rin ‘yung mga malalaking pangyayari. Pero marami rin tayong mga hindi pa alam.”

Asked kung ano ang natutunan niya sa nangyari, ani Ella, marami. Dito na siya nagsimulang mapaiyak.

Sabi niya, “’Yung pinaka-lesson is lumabas ‘yung mga tunay kong kaibigan. Lumabas ‘yung mga hindi. And nakilala ko kung sino po sila. So ‘yun ‘yung pinakamagandang natutunan ko po.

“Another lesson is to be strong, really, really strong, and stand for yourself.”

Inamin ng aktres na labis siyang nasaktan sa mga natanggap na komento ng mga kapwa-artista partikular na si Pokwang, na naging nanay pa niya sa serye niya noon na Aryana.

“Hindi ko po inasahan na masasabi n’ya ’yun. Naging nanay ko po kasi siya even though 10 years ago. Okay lang ’yung isang tweet pero tatlo po kasi ’yung nakita ko, eh.

“Yung pangalawa OA na, below the belt na. Tapos ’yung isa, ’yung writer ng Aryana kasagutan nya. Naalala ko, binibisita ko pa sila palagi ‘pagka mga breaktime nila, even after the show.

“So, masakit. Masakit po na ’yung mga taong hindi mo inaasahan, sila pa ’yung makakapagsalita ng ganyan sa ‘yo,” she said.

Isa rin sa mga nag-react at nag-tweet ng comment ay si Agot Isidro.

Pero ayon kay Ella, na-appreciate pa niya ang mga sinabi nito kesa kay Pokwang.

“Nu’ng nakita ko po ‘yung kay Mamang (Pokwang), sabi ko, ‘bakit mas mabuti pa si Tita Agot?’ Na parang she’s just trying to save me. Wala siyang sinabing masama. Sinabi lang niya na ‘sana nag-no comment ka na lang. Pero mahal kita,’” ani Ella.

“Wala akong galit, sama ng loob kay Miss Agot. Kasi somehow, na-appreciate ko po, para niya akong pinapayuhan,” sey pa ng isa sa mga bida ng pelikulang Maid in Malacañang.

AUTHOR PROFILE