Janella

Tweet ni Janella sa tinapang bangus, bumenta sa netizens

January 30, 2023 Vinia Vivar 314 views

Ang daming naaliw sa tweet ni Janella Salvador tungkol sa natanggap niyang regalo mula sa fan.

Ipinost ng aktres ang larawan ng isang tinapang bangus na iniregalo sa kanya at sa caption ay humihingi siya ng explanation mula sa fan na nagbigay.

“Hi vadengs thank you for the gifts ha but i think I need an explanation for this one,” tweet ni Janella.

Bukod dito nag-upload din siya ng larawan niya na may caption na “I am confusion.”

Nag-comment pa ulit si Janella at sinabing pretty naman daw ang tinapang bangus.

Hindi namin alam kung humihingi ba ng paliwanag si Janella dahil hindi niya alam ang tinapang bangus or dahil isa lang ang ibinigay sa kanya.

Anyway, sumagot naman ang nagbigay at aniya, “local product kc ng bataan yan ea hindi naman sila mkakagala dto kaya binigyan ko na ng specialty namin.”

Komento naman ng isa pang netizen, “teka lang tawang tawa ako (laughing with tears emojis) tinapa yan bhie, lagay mo muna sa ref, mas masarap yan breakfast, prito mo lang yan ha.”

Sey naman ng isa pa, “Hahaha natuwa naman ako sa tweet na ito! Can’t stop laughing at the meme. But on a serious note, that is tinapang bangus. Bataan is known for ‘tinapa’ and ‘tuyo.’ Eat it with fried rice, salted egg, and hot coffee. Nagutom tuloy ako.”

Reaksyon ng isa pang Twitter user, “Buset! Ang aga ng tawa ko dito. Walanjo. Hahahaha!”

Marami rin ang nag-explain sa kanya na “smoked bangus” or daing na bangus ang tawag du’n at pinayuhan siyang iprito’t kainin sa almusal. Hahaha!

Anyway, napasaya naman ni Janella ang kanyang fans dahil ang daming sumagot na tawang-tawa sila sa tweet ng aktres.

MGA EKSENA, PATINDI NANG PATINDI

Patindi nang patindi ang mga eksena sa high-rating GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Finally, nakita na ni Diane (Katrina Halili) ang human clone ng kanyang anak na si Hope (Kate Valdez). Hindi tuloy napigilan ng avid viewers na ma-excite at maiyak sa pinakahihintay nilang reunion.

Say ng fans sa GMA Drama Facebook page, “Napalundag naman ako sa dami ng ganap! Hindi ko rin namalayan umiiyak na pala ako kasi ang daming trials na nangyari kay Hope. Galing nina Kate Valdez at Katrina Halili umarte. Sana hindi na sila magkahiwalay ulit!”

Matanggap kaya ni Diane ang clone ng kanyang unica hija?

Samantala, dalang-dala rin ang netizens matapos mabisto ang panloloko ni Carnation (Faith da Silva)!

Matitigil na ba ang pagpapanggap niya bilang anak ni Diane?

“Nakakatuwa nabuko na yung Carnation na yun. Oy pekeng Hope, magwawakas na ang panloloko niyo!”

Marami pang plot twists na mangyayari kaya tutukan ang Unica Hija tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE