Dabarkads

TVJ, kumalas sa TAPE, Inc.! Dabarkads, tuloy ang mass resignation

May 31, 2023 Jun Nardo 874 views

OPISYAL nang kumalas kahapon sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TAPE, Inc., producer ng longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga.

Sa umpisa ng dapat sana’y programa, sinabi ni Tito Sen na hindi sila pinayagan ng bagong management na umere o mag-show nang live kahit halos kumpleto ang Dabarkads na pumasok sa APT Studios.

Si Vic ang tuwirang nagsabi na as of May 31, pormal na silang kumakalas sa kumpanyang pag-aari ng pamilya Jalosjos.

Aniya, “Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Inc. Karangalan po namin na kami’y nakapaghatid ng tuwa’t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat! Hanggang sa muli, saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

Bago pa man ang announcement, nakakuha na kami ng ilang impormasyon sa aming reliable source.

Ilan sa impormasyong nakuha namin, ay maiiwan sa TAPE, Inc. (producer ng show) ang title na Eat Bulaga.

Magkakaroon diumano ng mass resignation sa Eat Bulaga – from all the hosts and production staff – at TV5 ang magiging bago nilang tahanan.

Ang magiging title ng bagong show ay Dabarkads.

Ang term na ito ay galing sa pumanaw na si Francis Magalona na siyang nagpauso nito noong nabubuhay at nasa show pa siya.

Eh, dahil walang malaking studio ang TV5 na puwedeng magpapasok ng maraming tao, bale ang segment na “Juan For All, All For Juan” muna ang segment na sisimulan nila.

Of course, marami pang puwedeng mangyari. Puwedeng mabago rin ang mga plano na nakuha namin.

Kaya, stay tuned!

AUTHOR PROFILE