TV series nina Lovi at Piolo tuluy na tuloy na

November 22, 2021 Aster Amoyo 250 views

NAG-STORY conference na para sa local adaptation ng K-drama-thriller series na pinamagatang “Flower of Evil” na pangungunahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe sa ilalim ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal. Ito bale ang first TV series ng bagong Kapamilya star na si Lovi and her first team-up with ABS-CBN’s prized actor na si Piolo. Makakasama rin sa nasabing serye sina Kit Thompson, Denise Laurel, Agot Isidro, Joross Gamboa, Rita Avila, Edu Manzano, Jet Pangan, Epy Quizon at Robert Sena.

It was only last September 16 nang lumagda si Lovi ng network contract with ABS-CBN habang nag-renew naman ng kanyang kontrata si Piolo bilang Kapamilya.

Ang Dreamscape Entertainment ni Deo ang may pinakamaraming hit series na tumatakbo ngayon sa bakuran ng Kapamilya channel at kasama na rito ang top-rating and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Marry Me, Marry You” at “La Vida Lena” at ang katatapos pa lamang na inspirational series, ang “Huwag Kang Mangamba” na pinagbidahan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Ang “Flower of Evil” ay matutunghayan sa pagpasok ng 2022 gayundin ang iba pang bagong series tulad ng “The Broken Marriage Vow” at “Love in 40 Days”.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay Philippine adaptation ng British hit TV series na “Doctor Foster”. Ito’y tinatampukan nina Jodi Santamaria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla kasana sina Brent Manalo, Jane Oineza, Franco Laurel, Rachel Alejandro, Susan Africa, Ronnie Lazaro, Ketchup Eusebio, Kate Alejandrino, Empress Schuck, Joem Bascon at Angeli Bayani. Habang ang “Love in 40 Days” ay magsisilbing launching TV series ng real and reel sweethearts na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Ang nasabing serye ay tatampukan din nina Janice de Belen (na napapanood ngayon sa “La Vida Lena”), Lotlot de Leon, Mylene Dizon, Isay Alvarez, Elisse Joson, Liza Lorena, Ronnie Henares, Tonton Gutierrez, William Lorenzo at iba pa.

Jennylyn alagang-alaga ni Dennis

SUMMER next year nakatakdang isilang ng Kapuso singer-actress na si Jennylyn Mercado ang magiging first baby nila ng kanyang brand new husband, ang Kapuso actor ding si Dennis Trillo.

May pagka-delikado ang pagbubuntis ni Jennylyn kaya nakatutok sa kanya si Dennis.

Isa umano sa pinaglihian ng singer-actress ay ang maasim na sampalok.

Parang hinintay lamang ni Dennis na magtapos sa ere ang kanyang TV series sa Kapuso network, ang “Legal Wives” kung saan niya nakabituin sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali last November 12 (Friday) bago sila nagpakasal ni Jennylyn (in civil wedding rites) last November 15, araw ng Lunes.

Ngayong tapos na ang kanyang lock-in taping, tutok muna siya sa pag-aalaga sa kanyang wife at sa kanilang magiging unang baby.

Ritz AzulRitz una’t huling boyfriend ang naging asawa

KAPAMILYA actress Ritz Azul married her first and last boyfriend, ang non-showbiz guy na si Allan Guwi last Saturday, November 20 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges. The couple got engaged in June 2020.

Before she met her husband now, inamin noon ng actress na NBSB (no boyfriend since birth) umano siya kaya si Allan ang kanyang kauna-unahan at huling nobyo.

Si Ritz ay dating chairperson ng Sangguniang Kabataan sa kanyang hometown in Dila Dila, Santa Rita, Pampanga mula 2010-2013. Nagsimula siya sa TV5 bago siya lumipat ng ABS-CBN kung saan siya nakagawa ng ilang teleserye at kasama na rito ang “Los Bastardos,” at guesting niya “FPJ’s Ang Probinsyano” among others.

HopiaHopia ikinasal na rin

IKINASAL din nung nakaraang Sabado, November 20 ang dating child actress ng kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na si Trina `Hopia’ Legaspi (27)sa kanyang non-showbiz fiancé na si Ryan Jarina. Ang actresses na sina Liza Soberano at Michelle Vito ay dalawa sa mga tumayong bridesmaids. Naroon din ang ibang naging kasamahan ni Trina sa “Goin’ Bulilit” na sina CJ Labato, Boy Flores at iba pa. it was in November 2020 when the couple got engaged.

Si Trina ay kapanabayan sa “Goin’ Bulilit” nina Kathryn Bernardo and Julia Montes. Siya’y nagtapos ng Communications Arts in 2016 at nagta-trabaho bilang financial advisor sa isang kumpanya although naka-kontrata rin siya sa Star Magic ng ABS-CBN.

The wedding reception was held at the Conrad Hotel in Pasay City.

Paolo at Yen hindi pa rin umaamin

MAY mga espekulasyong naglabasan na si Paolo Contis ang ka-date ng aktres na si Yen Santos sa isang romantic dinner set-up by the sea sa 29th birthday ng aktres nung nakaraang Sadabo, November 20.

Sina Paolo at Yen ay nagkalapit sa isa’t isa nang magsama ang dalawa sa pelikulang “A Faraway Land” na dinirek ni Veronica Velasco. Ang aktres ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-partner na Paolo at LJ Reyes kung kanino may more than two-year-old daughter ang actor na si Summer Ayana na bitbit ni LJ sa New York, USA kasama ang kanyang eldest son na si Aki (sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino).

Although may iba’t ibang sightings na na kina Paolo at Yen na magkasama, sa iba’t ibang okasyon, wala pa ring pag-amin na nagmumula sa dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Jillian niregaluhan ng BMW ang sarili

ALTHOUGH sa February 23, 2022 pa ang 17th birthday ng dating Kapuso child star na si Jillian Ward, niregaluhan ng teen actress ang kanyang sarili with an expensive BMW car which she posted sa kanyang Instagram account last Monday, November 15.

At 16, napakaganda ng “Prima Donnas” young star at vlogger na meron na ring 318K subcribers.

Ang brand new BMW car ay magsisilbi na ring advance Christmas gift ni Jillian sa sarili.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE