Default Thumbnail

Turista binawalan lumapit sa Taal

September 25, 2023 Zaida I. Delos Reyes 448 views

NAGLABAS na ng travel advisory ang Department of Tourism sa Region 4-A para balaan ang lahat nang gusto pumunta malapit sa Taal volcano dahil dahil sa volcanic smog na ibinubuga ng bulkan.

Sa travel advisory, pinakiusapan ni DOT-Region 4-A Director Marites Castro ang mga turista na ipagpaliban muna ang pamamasyal malapit sa Taal lalo na kung may problema sila sa baga at puso.

Kung hindi naman maiiwasan, pinayuhan ni Castro ang mga biyahero na manatili sa loob ng sasakyan, isara ang bintana at pinto at magsuot ng N95 mask kung gustong lumabas.

Sa ngayon, bawal pa rin ang pagpasok sa Taal volcano island, partikular sa main crater ng bulkan at Daang Kastila fissures nang walang permiso mula sa lokal na awtoridad.

Nagbuga ang Taal Volcano ng volcanic smog o vog na naging dahilan pa kung bakit ilang bayan sa Batangas ang nag-zero visibility noong Setymebre 21.