Tourist

Turismo dapat abot-kaya ng Pinoy

March 6, 2022 People's Tonight 406 views

DAPAT manatiling abot-kaya ang gastusin sa pagbibiyahe ng mas maraming local na turista sa ating mga tourist destinations upang sabay makatulong ang domestic at international tourism sa post-pandemic economic recovery ng bansa.

Ito ang panawagan ng Turismo Isulong Mo Partylist (#156TURISMO) sa mga miyembro ng sektor ng turismo kaugnayy ng pagpapairal ng Alert Level 1 na hudyat ng pag-alis ng travel restrictions.

Ayon kay Edmond Mayormita, TURISMO nominee, upang mahikayat ang mas maraming Pilipino na nagnanais mamasyal partikular na ang mga pamilyang na-lockdown nang dalawang taon, dapat panatilihing abot-kaya ang bayarin sa transportasyon, hotel accommodation, entrance fees sa mga tourist sites.

Sinabi ni Mayormita, isang travel entrepreneur at sustainable tourism advocate, higit ang kontribusyon ng domestic tourism sa ekonomya ng bansa kaysa sa international tourism bagaman mas maraming banyaga ang nakakapunta sa mamahaling tourist sites.

Aniya, malaki ang maitutulong kung mabibigyan ng diskwento ang mga kababayan natin sa pasahe sa eroplano, van rentals, ferry fares, entrance fees, hotel accommodation at food prices.

“As Sec. Wanda Teo said, we should not be strangers in our own country. More Filipinos should be able afford and enjoy the pristine Boracay Island and experience the natural wonders of Coron and El Nido, and many other world-class tourist destinations,” sabi pa ni Mayormita.

Ang hanay ng #156TURISMO Partylist na pinangungunahan ni former Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo ay binubuo ng mga grassroots tourism stakeholders na may adhikain na ipaglaban ang kapakanan at interes ng tourism sector.

AUTHOR PROFILE