Default Thumbnail

Tuluy-tuloy na ayuda sa mga mahihirap mahalaga sa Pitmaster Foundation

December 6, 2021 Tess Lapuz-Lardizabal 388 views

tessTULOY-TULOY ang pagbibigay ayuda ng Pitmaster Foundation sa mga mahihirap na Pinoy, lalo na sa mga may sakit, sa kabila ng mga puna at mistulang ‘propaganda’ mula sa iba’t ibang sector.

Hindi tulad ng ibang mga grupo at individual, tahimik lang ang Pitmaster Foundation sa mission nitong mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan.

Ibinihagi ni Pitmaster Foundation Director Atty. Caroline Cruz na lingid sa kaalaman ng karamihan, daan-daang pasyente ang natulungan na ng Pitmaster na magpa-dialysis ng libre. Sa kabila ng mga puna at paninira, araw-araw ay may pinapa-dialysis ang Pitmaster ng libre sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nakakapag-dialysis ng libre ang mga pasyente sa tulong ng Pitmaster dahil may ugnayan ang Foundation sa mga ospital at dialysis centers sa buong bansa.

Patuloy pa rin ang libreng pa-dialysis ng Pitmaster kaya’t tuloy rin ang pagginhawa ng maraming kababayan.

Bukod sa libreng pa-dialysis ay patuloy pa rin ang pamimigay ng Pitmaster ng mga wheelchairs.

Ayon kay Atty. Cruz, higit 1,000 wheelchairs na ang naipamahagi ng Pitmaster sa mga may kapansanan na kababayan mula Enero ngayong taon.

Ilang ambulansiya na rin ang naipamigay ng Pitmaster sa mga LGUs.

Noong kasagsagan ng mga lockdown sa Pilipinas, agad na nagpamahagi ng libo-libong food packs ang Foundation.

Binigyang diin ni Atty. Cruz na tuloy tuloy ang ayuda ng Pitmaster sa mga Pinoy bilang sukli sa kanilang suporta. Ito rin ang mapagkumbababang paraan ng Foundation na maipakita ang lubusang pagmamalasakit sa mga mamamayan, lalo na sa panahon ng kanilang pangangailangan.

Ang Pitmaster Foundation ay isang sangay ng Lucky 8 Corporation, na isa sa mga kumpanya na nabigyan ng PAGCOR ng lisensya para sa online sabong.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na malaki ang naitutulong ng e-sabong sa gobyerno sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Daan-daang milyong pondo ang nalilikom ng PAGCOR buwan-buwan sa anim na licensed online sabong companies sa bansa.

Sadyang mahalaga sa Pitmaster ang mapabuti ang kalagayan ng mga kapwa Pilipino lalo na ng mga may kapansanan kaya’t tuloy tuloy lang ang ayuda sa kabila ng mga puna.

Naniniwala ang Foundation na sa mga libreng pa-dialysis nito, pamimigay ng wheelchairs at iba pang uri ng tulong ay makakatulong ito sa bayan at mga mamamayan na lumaban at bumangon sa mga pagsubok.

Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa 09175841714 o mag-email sa [email protected]