Default Thumbnail

Tuloy ang Pacquiao-Spence fight sa Aug. 21!

June 28, 2021 Marlon Purification 534 views

Marlon PurificationMARAMI nang excited tungkol dito, pero marami rin ang nag-aalala dahil baka hindi raw matuloy ang laban ni Fighting Senator Manny Pacquiao at undefeated WBC/IBC Weltherweight Champion Errol Spence sa Las Vegas, USA.

Ito’y matapos magsampa ng breach-of-contract lawsuit si Powerful combat sports manager Audie Altar laban sa eight-division boxing champion na si Pacquiao. Humihingi rin ang kampo ni Attar ng $3.3 million damyos at ipinatitigil ang laban ni Pacman kay Spence ngayong darating na August 21.

Base sa sumbong ni Attar, hindi umano sumunod sa usapan ang kampo ni Pacquiao na ang dapat makalaban nito ay ang manok niyang si four-division boxing champion Mikey Garcia.

Si Attar ay mula Paradigm Sports na nakabase sa Southern California kung saan mina-manage ang UFC superstart na si Conor McGregor.

Bukod kay Pacquiao, kasamang kinasuhan ni Attar ang mga associates ng senador na sina longtime advisor Sean Gibbons at kaibigang si Winchell Campos, ngunit ang kausap nito ngayon para sa laban kay Spence ay si Al Haymon ng Premier Boxing Champions.

Katunayan, nakapirma na rin ng pay-per-view contract ang dalawang kampo para sa inaabangang laban sa T-Mobile Arena.

Sa kabila ng dibdibang trabaho ni Pacquiao sa Senado bago ang Sine Die Adjournment ng 2nd Regular Session ng 18th Congress ngayong Hunyo, dibdiban ang ginagawang ensayo ni Pacquiao dahil hindi rin basta-basta kalaban si Spence na sinasabing tulad niya ay may ‘killer punch.’

Kahit nga ginugulo siya ng ilang namumuno sa PDP Laban Party ay tuloy lamang ang ginagawang pagtulong nito sa mga kababayan ngayong pandemya, habang seryoso at masinsinan din ang ensayo nito ngayon sa General Santos City simula nang ianunsiyo ang laban kay Spence noong nagdaang buwan.

Sinabi ng legal counsel ni Pacquiao sa Amerika na si Atty. Kinsella Welzman Iser Kump LLP, hindi dapat si Pacquiao ang dapat habulin ni Attar kundi ang promotions na kausap nito.

“The complaint filed by Paradigm Sports in California state court on Friday is a frivolous effort to interfere with Manny Pacquio’s upcoming megafight and it can and will fail for numerous reasons. Moreover had Pacquiao known that Paradigm Sports appears to have had no intention of fulfilling its contractual agreements he never would have entered into any relationship with them. Should this matter actually proceed beyond Friday’s filing in a court of law Mr. Pacquiao will vigorously defend his action, assert his own claims against Paradigm Sports and seek to recover his attorney’s fees as well,” anang abogado.

Hindi rin dapat si Pacquiao ang dapat managot sa sinasabing ‘exclusive contract’ ng Paradigm Sports Management dahil hindi ito ang direktang nakikipag-usap sa nasabing grupo.

Hindi rin ito ang kauna-unahang kaso na isinasampa ng ilang kampo laban kay Pacquiao. Sa multimillion-dollar na sangkot, asahan nang marami ang magtatangkang ‘perahan’ ang Pambansang Boxer.

Kaya hindi rin dahilan ito upang hindi na matuloy ang inaabangang laban na Pacquiao-Spence ngayong August 21.

At kapag naisagawa ito, patunay lang din na wala nang merito at legal na batayan upang maghabol pa ng damyos ang Paradigm Sports Management.

Ang dapat ngang gawin ng paboritong boxer sa buong mundo ay magsampa naman ito ng kontra demanda sa Paradigm promotions dahil sa ginagawa nitong paninira sa pangalan ng magiting na senador.