Default Thumbnail

Tulong ACT-CIS pinalawig pa

October 10, 2021 People's Tonight 374 views

HINDI lang sumbong o reklamo at pagbibigay ng mga gamot at pagpapagamot ang ayuda ng ACT-CIS Partylist sa mga inaapi sa mahihirap na mga kababayan kundi pati na rin ang pag-reunite ng mga pamilya.

Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, “nito lamang Biyernes isang lola sa Cavite at ang kanyang anak na babae sa Cebu, pinagtagpo namin after 30 years na pagkawalay”.

“Walang pera pareho kaya kami na ang gumawa ng paraan para mapagtagpo silang muli. Ilang liham pa ang natanggap namin hinggil sa wish ng ilang pamilya na mabuo silang muli pero symepre inuuna namin yung mga senior citizens na wala ng nag-aalaga sa kanila pero may mga anak ngunit malayo naman,” dagdag pa ni Yap .

Dagdag pa ng ACT CIS Nominee, bukas ang kanilang tanggapan Lunes hanggang Biyernes 3-4 p.m. at ito ay matatagpuan sa 58 Timog Avenue, Quezon City.

AUTHOR PROFILE