Loren

Tulfo, Loren, Alan patok!

April 6, 2022 People's Tonight 195 views

Sa March Pulse Asia survey

MULING nanguna sina broadcaster Raffy Tulfo, Deputy Speaker Loren Legarda at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa pinakahuling senatorial preference survey ng Pulse Asia.

Sa survey na ginanap noong March 17-21, 2022, nanatili sa unang pwesto si Tulfo na nakakuha ng 65.6 percent voter preference, pumangalawa si Legarda (58.3%) at pumangatlo naman si Cayetano (56.4%).

Sinundan naman ang tatlo nina Sorsogon Gov. Chiz Escudero (54.4%); dating public works secretary Mark Villar (52.4%); Sen. Win Gatchalian (50.3%); Sen. Migz Zubiri (50.1%); Sen. Joel Villanueva (43.9%); action star Robin Padilla (42.5%); dating Vice President Jojo Binay (42.5%); dating senador Jinggoy Estrada (36.5%); dating senador JV Ejercito (35.9%); Senator Riza Hontiveros (35.6%) at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (34.3%).

Higit isang buwan bago ang halalan sa Mayo 9, patuloy na nangunguna sa iba’t-ibang senatorial surveys sina Tulfo at Legarda tulad ng pinakahuling ulat ng Pulse Asia at OCTAResearch.

Si Tulfo ay isang sikat na radio personality dahil sa kanyang public service program sa radyo, samantalang si Legarda naman ay kinikilala sa kanyang malinaw at masigasig na adbokasiya para sa pagpapalakas ng mga local government units, mahihirap na manggagawa, magsasaka, healthcare workers, mga guro at mga polisiyang maka-kalikasan.

Kinatawan ng nag-iisang distrito ng Antique, si Legarda ay kasalukuyang Deputy Speaker sa House of Representatives. Muli siyang tumatakbo bilang senador sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition na kaalyansa ng UniTeam.

AUTHOR PROFILE