Default Thumbnail

Tulak tiklo sa buy-bust

March 15, 2023 Jonjon Reyes 579 views

ISANG kelot na umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto ng mga operatiba ng MPD makaraang magsagawa ng buy-bust sa Quiapo, Manila Martes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Mark Benedict Tobias, binata, walang trabaho, ng Pasaje Del Carmen Street, Barangay 888, Quiapo.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Manila Police District- Barbosa Police Station 14 commander, bandang 7:45 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation sa Buenviaje Street malapit sa panulukan ng Caromina St sakop ng Brgy. 391.

Dahil sa patuloy na pinaiiral ang “Oplan Galugad at Simultaneous Anti – Criminality Law Enforcement Operation na programa ni ‘The Game Changer General” MPD – Director PBGen. Andre P. DIzon, iniutos ni Mupas kay Police Major Gil John Lobaton, hepe ng Station Drug Enforcement Unit ang pag-aresto sa mga nagtutulak ng droga sa kanilang nasasakupan lugar.

Dahil sa timbre ng isang impormante kaugnay sa bentahan ng ilegal na droga agad namang tumalima ang mga operatiba at inilatag ang buy-bust operation sa naturang lugar gamit ang ilang piraso ng P500 marked money at walong tig P1,000 boodle marked money ang ipinain kay alyas “Bossing”.

Dito na nakitaan at narekober ang may mahigit kumulang sa 10 gramo ng shabu ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165.

Nag paabot naman ng pagbati at pasasalamat si MPD Director PBGen.Andre P. Dizon sa kanyang mga kapulisan dahil sa naging mapayapa at matagumpay na operasyon.

AUTHOR PROFILE