‘Tulak’ na may boga, droga huli sa Antipolo
ISANG hinihinalang tulak ang nasakote ng mga otoridad sa pag-iingat ng baril at shabu sa Sitio Rosal Tamengo, Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal.
Nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Team ng Antipolo Component City Police Station na may koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Coordination Number 10005-122024-0081 dakong alas-10:05 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Payong, isang tulak at tinaguriang Street Level Individual.=
Nakumpiska sa kanyang posesyon ang isang cal. 38 revolver, bala para sa nasabing baril at itim na sling bag, dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance ng pinaghihinalaang shabu, may timbang na humigit-kumulang 1 gramo, na may karaniwang halaga ng presyo ng gamot na P6,800; at cash money.