Default Thumbnail

Tukayo ni ‘Alex Gonzaga,’ tiklo sa drug-bust

January 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 289 views

ARESTADO ang katukayo ng sikat na actress at vlogger na si “Alex Gonzaga” sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa Angono, Rizal.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, si Gonzaga ay naaresto sa buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Angono Rizal PNP (Philippine National Police) dakong 12:10 ng umaga sa panulukan ng ML Quezon Avenue, Barangay San Roque.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng shabu na aabot sa .70 gramo at nagkakahalaga ng P4,500, at tatlong P100 bill na pinaniniwalaang bahagi ng buy-bust money.

Ayon sa ulat, ang operasyon ay isinagawa batay sa reklamong natanggap ng pulisya hinggil sa umano’y ilegal na gawain ng suspek.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA (Republic Act) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.