Default Thumbnail

Tubero timbog sa pagbenta ng marijuana

October 26, 2021 Melnie Ragasa-limena 318 views

ARESTADO ang isang tubero matapos na bentahan ng marijuana ang isang undercover agent sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Ang suspek na si Derick Dulatre, 24, residente ng Grapes St., Brgy. Commonwealth, QC, ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station (PS 6) commander, PLTCOL Alexy Sonido, dakong alas-9:40 p.m. (October 24) nang maaresto ang suspek sa IBP Road, corner Litex Road, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Nabatid na nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad laban sa suspek matapos na makatanggap ng tip hinggil sa kanyang ilegal na aktibidad.

Agad naman siyang dinakip ng mga pulis matapos na magpositibo ang transaksiyon.

Ang suspek ay nakumpiskahan ng dalawang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P240,000, isang orange/yellow na SYM motorcycle, at buy-bust money.