Default Thumbnail

Tsinoy nasakote sa 11 kaso ng talbog na tseke

January 31, 2023 Jonjon Reyes 376 views

NAKALAWIT ng mga operatiba ng District Investigation Division- Special Mayor’s Reaction Team (DID-SMaRT) ng Manila Police District (MPD) ang isang 30-anyos na Filipino-Chinese o “Tsinoy” sa loob ng isang gym sa Binondo, Maynila dahil sa asuntong pag-isyu ng tumalbog na tseke, Lunes ng gabi.

Ang naarestong suspek ay may asawa, ng Oroquieta Streeet sa panulukan ng Maria Natividad Street sa Sta. Cruz, Manila.

Kabilang din umano ang suspek sa talaan ng “most wanted person” sa district level.

Ang arrest warrant laban sa Tsinoy ay ibinaba ni Presiding Judge Karen Matti Sy, ng Metropolitan Trial Cout Branch 19 ng City of Manila na may petsang Hulyo 23, 2020 dahil sa 11 counts na paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 (Bouncing Check Law) na may piyansang P11,000 sa bawat kaso.

Ayon kay P/Maj. Edward Samonte, iniutos nito kay P/Maj Emmark Dave Apostol, kasama sina Maj. Joemark Mukarram, Capt. Edgar Julian, at ang ilan nitong tauhan ang pag-aresto sa suspek.

AUTHOR PROFILE